Kinabukasan Balita

Nanduro ng pulis sa checkpoint, kalaboso

Kalaboso ang isang 28-anyos na lalaki matapos nitong duruin at ha­bulin ng saksak ang isang pulis sa checkpoint nitong Sabado sa Alaminos, Pangasinan.

Kinilala ang suspek na si John Robert Mirador, ng Barangay Doliman sa bayan ng Infanta sa Pangasinan.
Sa report, nagmamando ng checkpoint sa Barangay Alos sa Alaminos ang grupo nina Police Staff Sgt. Richaerd Maure nang pahintuin nila ang itim na motorsiklong minamaneho ng suspek bandang alas-6:50 ng gabi.

Atletang wagi sa Vietnam Sea Games kinilala ng Antipolo

177 health facility nawasak ng lindol

Aftershock sa Northern Luzon pumalo ng 2009

Magalang umanong nilapitan ni Maure ang suspek pero bigla nitong binunot ang patalim sa kanyang baywang at saka kinumpronta at hinabol ng saksak ang pulis.

Nang makabuwelo ng ilang distansiya ang pulis, huminto ito sabay bunot ng kanyang baril at pinakalma ang suspek. Initsa naman ng suspek ang hawak na patalim at saka sumuko. (Allan Bergonia)

Kaugnay na Balita

Mainit na Balita

error: Content is protected !!