Kinabukasan Balita

Nanay ni AJ Raval, pasimpleng sinopla ang netizen na nagsabing may baby bump raw ang anak

Cool lamang na binara ni Alyssa Alvarez, ang ina ng sexy actress na si AJ Raval, ang netizen na nagsabing halata na raw ang baby bump o bukol sa tiyan ng anak, batay sa latest TikTok video na ibinahagi ng ina noong Hulyo 23.

Makikita sa TikTok video na naglalakad sila ng anak na si AJ sa isang mall sa Pampanga. Hindi nakita ang harapan o tiyan nito dahil nakatutok sa likod ang camera at nakasuot ng malaking sweater ang aktres.

Subalit sa isa pang TikTok video, kitang-kita na ang harapan ni AJ habang naglalakad sila ng ina. Kasama nila ang mga crew ng supermarket at itinutulak ang big carts na naglalaman ng kanilang pinamili. Mapapansing nag-dirty finger si AJ.

“Tingnan n’yo mabuti, may baby bump na, hindi lang gaano halata because of shorts,” saad ng isang netizen sa comment section.

“Buti pa kayo nakita n’yo,” simpleng banat ni Alyssa.

Kamakailan lamang ay inispluk ng showbiz columnist na si Cristy Fermin na kumpirmadong buntis na raw si AJ batay sa tsika sa kaniya ng mapagkakatiwalang impormante. Ang ama raw ay si Aljur Abrenica, kaya kinakabahan daw si Cristy na baka magdemanda si Kylie Padilla lalo’t hindi pa napapawalang-bisa ang kanilang kasal.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/07/19/aj-raval-buntis-na-raw-ispluk-ni-cristy-fermin/

Muli namang pinabulaanan ni AJ ang tungkol sa kaniyang pagbubuntis.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/07/21/aj-raval-nagpositibo-sa-covid-19-hindi-sa-pregnancy-test/

Maging si Alyssa na kaniyang ina ay nag-Facebook post ng sunod-sunod na banat at parinig.

“Hindi kita huhusgahan sa pagiging mapanghusga mo, baka lang kasi may pinagdaanan kang malupit sa buhay kaya ganiyan ang pag-iisip mo,” aniya noong Hulyo 20.

“Mabuhay po tayo nang mapayapa na walang pakialam sa buhay ng iba.”

“Linisin ko nga muna itong FB ko, mukhang bibisitahin na naman ng mga marites, palit-DP kailangan maganda ako. Tapos iinglishin ko na mga post ko. Wait nga. Open ko na rin Messenger ko para maaway n’yo ko kasi baka di na naman makatulog mga taong ‘to.”

Ibinahagi rin niya ang isang Facebook post tungkol sa mga “chismosa”.

“Isipin mo nagsisimba ka tuwing linggo pero chismosa ka Lunes hanggang Sabado,” mababasa rito.

Pagkatapos, isa pang meme ang kaniyang ibinahagi na mababasa na “Lahat tayo may bad side, ‘wag feeling banal.”

Kaugnay na Balita

Mainit na Balita

error: Content is protected !!