Kinabukasan Balita

Namemeligro ang Barangay

NASA bingit ng pagkasibak sa quarterfinal round ng 2022 PBA Philippine Cup ang crowd darling Barangay Ginebra Gin Kings.

Angat sa best-of-three series ang matinding karibal at lagi nilang biktima sa champiobship na Meralco Bolts, 1-0, na wala pa rin ang head coach na si Norman Black.

Bugbog ang inabot ng Gin Kings sa Game 1 sa tono ng 82-93 pagkatalo sa Bolts.

Halimaw pa rin ang laro ni reigning Most Valuable Player (MVP) Scottie Thompson na may double-double 29 points at 10 rebounds para sa Barangay Ginebra, pero hindi ito sapat sa pasiklab ni Aaron Black na may 25 puntos sa laro, 10 mula sa third canto.

Kaya pa bang bumangon ng Gin Kings o maaga na sila magbo-Boracay?

Ang sagot, kayang-kaya!

Pero kailangang magising ang mga beteranong sina LA Tenorio at Stanley Pringle.

Mike optimistiko sa Para Games

Jaylen workout sa ilalim ng tubig

Carcedo inupakan Asia Pacific crown

Kahit bumuhos ang lahat ng Ginebra fans sa venue at mayanig ang Big Dome sa kasisigaw nila, kulang ito kung walang suporta mula kina Tenorio at Pringle.

Sa lampas 32-minutong paglalaro, bokya o zero points si Tenorio na 0-of-5 sa field goal, tatlo rito mula sa three-point teritory.

Si Pringle, nadiyeta sa anim na puntos sa likod ng 2-of-8 field goal, bokya rin sa three-point area sa apat na subok sa loob ng higit 20 minuto sa loob ng court.

Naiintindihan natin na hindi pa 100 porsiyento si Pringle na galing sa injury, pero kung gusto ng Ginebra na makapasok sa semifinals at magtuloy sa kampeonato, kailangan nila ang dating Pringle.

Si Japeth Aguilar, may disenteng 10 puntos, 5 rebounds at 2 blocks sa nasabing pagkatalo, kakailanganin pa ng Gin Kings ng mas maraming produksiyon mula sa kanya.

Solid pa rin si Christian Standhardinger sa 12 points, 4 boards at 2 dimes sa 28 minuto.

Kaya para sa Barangay, huwag mawalan ng pag-asa, subok at sanay sa giyera ang Gin Kings, kapit lang!

Kaugnay na Balita

Mainit na Balita

error: Content is protected !!