Kinabukasan Balita

Naloka mga fan: Coco brutal ang pagpatay kina Lorna, John

Mas magiging madugo ang huling limang gabi ng ‘FPJ’s Ang Probinsyano’ ni Coco Martin. Mas matindi ang magiging laban ni Cardo Dalisay kina John Arcilla, pati na kay Raymond Bagatsing.

Sabi nga ni Raymond, “Very excited for the battle of Hukbo ng Malayang Bansa/Hukbo nang Naglalagablab na Bayan. Against Cardo Dalisay! At mga Agila!”

Pero, kapansin-pansin nga sa mga netizen ang matinding pagpatay ni Cardo sa mga kontrabida niya tulad nina John Estrada(bilang si Armando) na ang magkabilang kamay ang tinalian at pinahila sa trak.

“Masyadong brutal ang pagpatay. Pero, deserve niya!”

Lovi, Dina, Zsa Zsa inalala sampal, alaga ni Gil

Solo flight sa NYC: Andrea sabik na sa yakap ni Ricci

Matapos iwanan ng boylet: Zeinab Harake mabango, matingkad…

“Grabe na-shock kami.”

At siyempre, kay Lorna Tolentino (bilang si Lily), na pinaulanan, tinadtad ng bala, hanggang sa mamatay sa maruming tubig.

Ang inaabangan na nga lang ay kung paano pababagsakin ni Cardo ang mga karakter nina John Arcilla (bilang si Renato Hipolito). Paano nga ba niya wawakasan ang buhay nito?

Nauna na ngang pinatay si Tirso Cruz III (bilang si Arturo), at Rosanna Roces (bilang si Lolita Silang), na sobrang madugo rin ang pagtatapos. (Dondon Sermino)

Kaugnay na Balita

Mainit na Balita

error: Content is protected !!