Kinabukasan Balita

‘Nakakahiya kay Kiko’ Sharon, Rowell lampungan inalmahan

Nagdadabog ang ibang Sharonians. Bakit daw kailangan pang ipakita ang eksenang nagtatalik sina Sharon Cuneta at Rowell Santiago sa Ang Probinsyano?

Sana raw ay ginawan na lang ng paraan na hindi masyadong kitang-kita ang dalawa na naghahalikan at magkasamang lumilipad sa alapaap ng kaligayahan.

Nakakahiya raw ‘yun para sa asawa ni Sharon na si Senador Kiko Pangilinan. May pamilya na raw ang Megastar at siguradong ikahihiya ‘yun ng kanyang mister at mga anak.

May karamutan ang ganu’ng obserbasyon. Sa una pa lang ay alam na ng senador na artista ang kanyang misis. Hindi maiiwasan ang mga eksenang mainit kapag kailangan ‘yun sa isstorya.

Kailangang gawin ni Sharon ang mga eksenang hinihingi sa papel na ginagampanan niya, pero hanggang sa harap lang naman ‘yun ng camera, walang personalan.

Totoo, naging magkarelasyon sina Sharon at Rowell nang mahaba-haba ring panahon pero naghiwalay sila bilang magkaibigan, ilang dekada na ang nakararaan at pareho na silang nakahulagpos mula sa nasabing relasyon.

Tapos na ‘yun, pareho na silang nakapag-move-on, kaya hindi na dapat pang haluan ng kakaibang ideya ang mainit na eksenang pinagsaluhan nila sa magtatapos nang serye.

Ang mas magandang isipin ay propesyonal ang Megastar. Kaya niyang ihiwalay ang kanyang personal na buhay sa mga tinatanggap niyang papel sa mga proyektong tinatanggap niya.

Ganu’n kapropesyonal si Sharon Cuneta.

Boy Alano hindi pinabayaan ni Da King

Nu’ng dumalaw kami sa lamay ng Reyna Ng Pelikulang Pilipino na si Ms. Susan Roces ay may babaeng lumapit sa amin.

“Hindi po kami pinapasok ng nakabantay sa pintuan, puwede kaming sumabay sa inyo?”

Maya-maya ay lumapit naman ang isang may edad nang lalaki, payat na payat. “Cristy, ako si Boy Alano. Gusto ko sanang sumilip sa bangkay ni Inday (Susan Roces).”

Dinaan sa dasal: Bayani tinawag na ‘mayabang’ si…

‘Goodfellas’ star pumanaw na

Mga anti-Marcos eeksena sa mga sinehan

Tinawag namin ang nakabantay sa pintuan ng chapel, ipinakilala namin si Tito Boy Alano, sinabi namin na hindi na mabibilang pa ang mga pelikulang ginawa ng beteranong aktor na kasama ang Hari Ng AKsiyon na si Fernando Poe, Jr..

Pinakain muna sila ng mga nakabantay sa isa pang kuwarto dahil meron pang ginaganap na misa. Personal na nagpasalamat sa amin si Tito Boy at ang kanyang mga kasama.

Kailan lang ay pumanaw na si Tito Boy Alano. Magkasama na sila ngayon ng kanyang Boss sa kabilang buhay. Boss ang tawag ni Tito Boy kay FPJ na nu’ng nabubuhay pa ay hindi nagpabaya sa kanyang pagkakasakit.

Kahit hindi na sila nagkakasama sa paggawa ng proyekto ay patuloy siyang sinuportahan ni FPJ sa kanyang mga kailangan sa pagpapagamot.

Nakikiramay po kami sa lahat ng mga inulila ni Tito Boy Alano, ang beteranong aktor na palaging gumaganap na sidekick ni FPJ, magkikita na uli sila ngayon sa kabilang buhay.

Ganda patola, mahilig sa away

Napakabalat-sibuyas naman ni Vice Ganda! Napakasimple lang naman ng sinabi ni Bayani Agbayani na hindi sila nag-o-overtime sa ‘Tropang LOL’ pero umaray na agad ang bida-bidahan sa ‘It’s Showtime’.

Sumagot na agad si Vice sa paraang sarkastiko, totoo raw na hindi maganda ang pag-o-overtime, lalo na sa tulad niya na masyadong makuda sa programa.

Kung sana’y may ginawang pagpaparinig si Bayani, kung sana’y pinersonal siya ng komedyante, pero napakakaswal lang naman ng sinabi nito.

Ano ba naman ‘yun? Lahat na lang ba ng sabihin ng ibang tao, kahit ng mga kasamahan niyang artista, ay papatulan na ni Vice Ganda?

Sa kanyang estado ngayon na naabot na niya ang pinapangarap niyang popularidad, dapat ay sinusuklian na niya ‘yun ng pagpapakumbaba, hindi na siya bumibili ng away.

Si Bayani Agbayani pa? Peacemaker nga ito, marunong makisama at wala kang anumang maririnig na pamimintas sa kanyang kapwa, si Bayani pa ang kanyang pinagtripan?

Ipinaglihi talaga sa patola si Vice Ganda!

Kaugnay na Balita

Mainit na Balita

error: Content is protected !!