Kinabukasan Balita

‘Nagtalakan sa taping’ Eula napikon sa landian nina Derrick, Elle  

Hindi pala natutuwa si Eula Valdez sa harutan sa set ng ‘Return to Paradise lead stars na sina Derrick Monasterio, Elle Villanueva.

Bigla ngang bumulusok sa galit si Eula at sinabi ang kanyang mga sama ng loob sa dalawa.

“Alam ko kayo ang bida dito. Pero sana ‘wag niyo ilagay sa ulo niyo ‘yung pagkabida niyo. ‘Yung focus kasi nakakatagal, eh!” sabi ni Eula, na ikinagulat ng magkapareha sa teleseryeng ito ng GMA 7.

Eh, sinegundahan diin ng isa pang aktres na si Teresa Loyzaga ang mga sinabi ni Eula, na sa tingin nga nila ay nasasayang daw ang mga acting dahil hindi nabibigyan ng hustisya.

Dahil sa mga nasabi ni Eula, na naging sanhi ng mahabang argumento, at sa isang eksena nga ay nag-ingay ang cellphone ni Derrick, kaya nasita rin ito ni Eula.

Julia ‘namanhikan’ sa mommy ni Gerald

Janice inalay ‘Sugat sa Dugo’ sa mga AIDS victim

Zephanie bet maka-‘biritan’ si Julie Anne sa concert

Hindi naman napigilan ni Derrick na sagutin si Eula na, “Hindi porket kami ang baguhan, sila na ang tama at kami ang mali!”

Kinailangan pang umawat ang isang staff para mahinto na ang argumento.

Pero, bigla naman tumayo si Teresa at pilit na tinatawag sina Derrick, Elle, at Eula.

At doon ay binitawan na nga nila ang linyang, “It’s a prank!’

So prank nga lang pala `yon! Na kung hindi mo tatapusin ang eksena, baka kabahan ka talaga at matakot na baka magkagulo sila. (Rb Sermino)

Kaugnay na Balita

Mainit na Balita

error: Content is protected !!