Kinabukasan Balita

Na-Steve Harvey? Mga netizen, celebs, windang sa naganap na antala sa pag-anunsyo ng winner

Usap-usapan ngayon ang ilang minutong pagkabitin sa pag-anunsyo ng Binibining Pilipinas International 2022, sa katatapos lamang na coronation night ng Binibining Pilipinas 2022 sa Smart Araneta Coliseum, Hulyo 31.

Kitang-kita ang saglit na pagtigil sa pag-anunsyo dahil nilapitan ang mga hosts na sina Catriona Gray at Nicole Cordoves ng ilang mga staff ng beauty pageant.

Warning: ito po ay base lang sa nakita ko and sa interpretation ko of what happened + my personal theory.

There really was a Steve Harvey moment in #BinibiningPilipinas2022. Pero they dont want it to look like a complete MU2015 repeat. So they proceeded with crowning the last + pic.twitter.com/wCSwOQXvEs

Kaya naman trending sa Twitter ang pangalan ni Steve Harvey dahil mukhang may nangyaring mali sa pag-anunsyo ng mga nagwagi, kagaya ng nangyari sa Miss Universe 2015, kung saan ang tunay na nagwagi ay si Miss Universe Philippines Pia Alonzo Wurtzbach.

Maging ang mga nanonood na celebrity ay napakomento na rin kagaya ni Vice Ganda, na talaga namang nakatutok sa mga ganap. Panay pakawala ng tweets ang Unkabogable Star at nagbibigay ng updates.

“May very wrong! #BinibiningPilipinas,” tweet ni Meme.

May very wrong! #BinibiningPilipinas

“Ano kayang meron sa kaguluhang iyon? Nawa’y walang nagkapalit ng korona. Oh well eklip nako. Congrats girls! #BinibiningPilipinas,” pahabol pa ni Vice.

Anu kayang meron sa kaguluhang iyon? Nawa’y walang nagkapalit ng korona. Oh well eklip nako. Congrats girls! #BinibiningPilipinas

Maging si Miss Universe Philippines 2014 MJ Lastimosa ay napakomento rin.

“Kinabahan akizzzz akala ko Steve Harvey moment. Pero bulaga si Cebu but Cebu is a powerhouse so there you go. Congratulations to our new queens #BinibiningPilipinas2022,” aniya.

Kinabahan akizzzz akala ko Steve Harvey moment. Pero bulaga si Cebu but Cebu is a powerhouse so there you go. Congratulations to our new queens ♥️♥️♥️ #BinibiningPilipinas2022

Kinlaro naman ni MJ na batay sa kaniyang pagtatanong-tanong, wala raw talagang pagkakamali sa announcement of winners.

“Walang cheka mga acclacoz according to the BPCI correct ang results. Nalito lang daw sa floor hence the pause. Osha sha tulog na mga maritess!!!! #BinibiningPilipinas2022,” aniya.

Walang cheka mga acclacoz according to the bpci correct ang results. Nalito lang daw sa floor hence the pause. Osha sha tulog na mga maritess!!!! #BinibiningPilipinas2022

Samantala, wala pang pormal na pahayag ang pamunuan ng Binibining Pilipinas kaugnay ng isyung ito.

Kaugnay na Balita

Mainit na Balita

error: Content is protected !!