Kinabukasan Balita

Mika, Speed Hitters armado sa semis

Laro ngayo: (FilOil EcoOil Centre)

4:00pm — PLDT vs Army-Black Mamba

MULING bibira para sa PLDT High Speed Hitters si middle blocker Mika Aereen Reyes kontra Army-Black Mamba Lady Troopers sa pagsisimula ng single round semifinals ng 2022 Premier Volleyball League (PVL) Invitational Conference sa FilOil EcoOil Centre sa San Juan City Martes.

Dadalhin ng High Speed Hitters ang nakuhang momentum sa nagdaang panalo sa huling araw ng preliminary round sa mabangis na hambalos at depensa ng 28-anyos na 6-footer spiker laban sa kapwa semifinalist na Cignal HD Spikers.

Nagpamalas ng team-high 14 points mula sa 12 atake at 2 blocks ang dating DLSU Lady Green Archers middle hitter upang maiselyo ang pagpasok sa susunod na round sa 4-2 kartada, katulong si Fiola Ceballos na may 13 marka at 10 excellent receptions para sa PLDT.

Train to Bicol at Mindanao posibleng madiskaril

Thompson dehins ‘ampalaya’ sa olats

Saso nag-rally, P1M kinubra

“Ang goal talaga namin is to step-up every conference, so this time nakuha namin ‘yung first goal namin pero siyempre hindi pa tapos ang laban,” pahayag ni PLDT head coach George Pascua. “Alam naman nila na every game dapat ibigay nila ‘yung best nila lagi, every game kailangan ipakita mo without regrets,” dagdag ng bagong tapik na Adamson men’s volleyball coach.

Paniguradong masusubukan ang kahusayan ni Reyes pagdating sa depensa, partikular na sa blocking department na kanyang pinangungunahan sa pagtatapos ng elimination round.

Kinakailangang bantayang mabuti ni Reyes, katulong sina Ceballos, Dell Palomata, Chin Basas, Jules Samonte, Erika Santos, Jessey De Leon, Rhea Dimaculangan at Kath Arado ang mga hambalos nina Jovelyn Gonzaga, Honey Rose Tubino, Jeanette Villareal, Joanne Bunag, Mary Anne Esguerra, Nene Bautista, MJ Balse-Pabayo at nagbabalik na si Michelle Morente.

Nakalasap ng pagwawalis ang Lady Troopers laban sa top team na Creamline Cool Smashers sa nagdaang laro 20-25, 22-25, 16-25.

Nakatakdang makatapat ng PLDT at Army ang Creamline at Cignal, kasama ang dalawang foreign teams na Taipei King Whales at Kobe Shinwa women’s University sa isang single-round robin. (Gerard Arce)

Kaugnay na Balita

Mainit na Balita

error: Content is protected !!