Kinabukasan Balita

Mga nalubog sa guho nasinghot ng sniffing dog

Lima pang bangkay ang narekober ng mga awtoridad matapos matukoy ng mga K9 aso ang gumuhong lugar kung saan sila natabunan at nasawi sa magnitude 7 na lindol na gumimbal sa Northern Luzon at sumentro sa Abra noong Miyerkoles.

Natagpuan na nakalibing sa guho ang apat na naiulat na nawawala sa kasagsagan ng pagyanig sa Abra habang wala pang kumpletong impormasyon sa bangkay na narekober umano sa Ilocos Sur.

Sa tulong ng mga K9 sniffing dog, narekober ng pulisya ang bangkay ng apat na biktima mula sa landslide sa Sitio Bangel, Brgy. Poblacion Luba, Abra ganap na alas-4:00 ng hapon nitong Biyernes. Kinilala sila ng Luba Municipal Police Station na sina Mar B. Barreyro, 38-anyos, foreman at residente ng Sitio Pacpaca, Brgy. Ampalioc, Luba,; Louie Dining, 21, construction worker, ng Sitio Madago, Brgy. San Ramon East, Manabo; Jack Gamengan, 17, construction worker; at Angelo Badi, 15, kapwa ng Sitio Madago, Brgy. San Ramon East, Manabo, Abra.

Erpat, anak tigok sa kidlat

Dok sa Ateneo shooting inilipat na sa BJMP custodial…

Ama ng killer ni ex-mayor tinumba

Sa kasalukuyan, lima na ang biktima sa Abra, dalawa sa Benguet, tig-isa sa Kalinga at Bangued habang kinukumpirma pa ang taga-Ilocos Sur.

Ini-report ni Ruby sa pulisya ang pagkawala ng kanyang asawang si Barreyro nang hindi ito nakauwi noong gabi ng Hulyo 27. Umalis aniya ito at kanyang mga kasama bandang alas-7:30 ng umaga para magtungo sa construction site sa Sitio Bangel, Brgy. Poblacion Luba, Abra lulan ng traysikel. Samantala, ini-report naman ang pagkawala ng apat pa sa Abra Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council para maiprayoridad ang paghahanap sa mga ito. (Kiko Cueto)

Kaugnay na Balita

Mainit na Balita

error: Content is protected !!