Kinabukasan Balita

Meralco, ‘hugas-kamay’ sa brownout sa NAIA

Itinanggi ng Manila Electric Company (Meralco) na nagkaproblema sa kanilang pasilidad na nagresulta sa limang oras na brownout sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA)-Terminal 3 kamakailan.

Sa pahayag ni Meralco spokesperson Joe Zaldarriaga, nagkaproblema umano sa loadside facility ng NAIA kaya nagkaroon ng power interruption nitong Biyernes.

“Batay sa resulta ng imbestigasyon, walang naging problema sa Meralco facilities at nakumpirmang loadside facility ng terminal ang nagka-isyu,” anito.

“Minabuti na rin ng Meralco na manatili sa site at mag-assist habang inaayos ng mga airport engineer ang nakitang problema sa kanilang facility,” paliwanag ng tagapagsalita ng electric power distribution company.

Matatandaang 16 international flights, bukod pa sa 15 na domestic flight, ang naapektuhan ng brownout.

Kaugnay na Balita

Mainit na Balita

error: Content is protected !!