Kinabukasan Balita

Meralco, gumanti! Ginebra, laglag na sa Philippine Cup

Nakaganti na rin ang Meralco sa Ginebra nang matalo sa kanilang do-or-die Game 3 sa quarterfinals ng PBA Philippine Cup sa Mall of Asia Arena nitong Linggo.

Sa iskor na 106-104, tuluyan nang pumasok sa semifinals ang Bolts habang ang Ginebra ay wala na sa kontensyon.

Sa pagkapanalo ng Meralco, naipaghiganti na sa Gin Kings ang pagkatalo sa lahat ng kanilang Governors Cup title series.

Pinangunahan nina Chris Newsome, kumamada ng 21 puntos, 10 rebounds at 12 assists, at Aaron Black na naka-17 puntos, ang koponan hanggang sa makuha ang 21 puntos na abante.

Unang dumikit ang Gin Kings, 101-99, 2:18 na lang ang nalalabi sa orasan hanggang sa makuha ang abante mula sa free throw ni Japeth Aguilar at tres ni LA Tenorio.

Gumanti si Raymond Almazan kaya nakuha muli ng Bolts ang abante, 106-104, 1:00 na lang sa regulation period.

Maitatabla pa sana ni Stanley Pringle ang iskor, gayunman, nagmintis ang buslo nito.

Kaugnay na Balita

Mainit na Balita

error: Content is protected !!