Kinabukasan Balita

Megan sinugod si Mikael sa Korea

Hindi talaga sanay si Megan Young na hindi nakakasama ang mister na si Mikael Daez. Kaya nga kahit gumastos siya, ginawa niya, makasama lang niya ang dyowa.

“Reunited with Fofo!!! Kilig to the bones si Bonez. Hindi ko talaga natiis at pinuntahan ko siya sa Korea kaya hanggang sa pagkakape namin ay magiging clingy ako sa kanya. Pero ang totoo niyan, hindi naman talaga siya ‘yung pinuntahan ko dito hahahaha. #ArmyLangNakakaalam #NasaanAngBTS!” sabi ni Megan.

2 Posts – See Instagram photos and videos from ‘nasaanangbts’ hashtag

Well, for sure naman, pabiro lang `yon na ang BTS talaga ang pinuntahan niya sa Korea. Siyempre, ang pinakamamahal pa rin niyang asawa ang sinadya niya.

Sarah kaakit-akit ang pagkembot

‘Comatose mode’ Sharon, Regine ilang araw nagkasakit sa tate

Nadine bigong talbugan ni Sheena

At siyempre, tuwang-tuwa naman si Mikael. Aba, miss na miss na nga rin niya ang misis niya.

“Surpriiiiise!! After 4 weeks away from one another, Boneezy went into spy-ops mode to visit me. However, ang totoong kwento, she’s really just here to visit the BTS museum at side trip lang talaga ako hahaha. But nonetheless, it’s so nice to see Boneezy and I’m going to take her coffee hopping every single day that she is here. I will also take her to my favorite convenience stores lol.

“Do you have any suggestions for me and Boneezy to do?” sabi naman ni Mikael.

Oh, well, at least, tuhog naman pala talaga ang ganap kay Megan. Oo nga naman, na habang nakasalang sa trabaho si Mikael, rarampa naman muna si Megan. (Dondon Sermino)

Kaugnay na Balita

Mainit na Balita

error: Content is protected !!