Kinabukasan Balita

Maymay kinabog mga kontesera

Pasok na pasok ang mga linya ng kanta ni Maymay Entrata nang pumagitna na siya sa stage alongside the Binibining Pilipinas 2022 candidates. Kabogera talaga siya!

Sa isa sa inaabangang parte ng naturang beauty pageant, ang swimsuit competition, halos magmukhang concert na ni Maymay sa husay ng kanyang performance. Kinanta nga ni Maymay ang hit song niyang “Amakabogera” habang rumarampa ang mga kontesera.

Bagay na bagay rin siya nang sabay silang maglakad ng mga kandidata. Eksenadora rin ang pagtatapon niya ng mikropono after kumanta.

Isa nga sa dream ni Maymay ang sumali sa isang prestigious beauty pageant. Marami rin ang kumukumbinsi sa kanya na subukan niya na, tutal eh Pinay na Pinay ang kanyang dating.

Isa nga sa nag-push na sa kanya para sumali sa pagandahan ang kanyang dating ka-love team na si Edward Barber. Isa si Edward sa mga naging host ng Bb. Pilipinas 2022.

Kapit sa patalim? Wala akong tinanggap na pera kay PBBM – Ka…

Chandelier, wind chimes’ Catriona pinagtawanan, nilait sa…

Kylie pinarusahan mga manyakol

“Maymay belongs to that stage. Maybe it’s time,” sabi ni Edward matapos ang maangas na performance ni Maymay.

“Uy talaga naman! Maymay Entrata this is your sign daw sabi ni Edward! You are a certified kabogera talaga!” sey naman ni co-host Samantha Bernardo.

For sure, kinilig ang MayWard fandom sa sinabi ni Edward. Kahit pa may non-showbiz boyfriend na si Maymay.

Anyway, maging ang mga kandidata ay napapalakpak sa performance na iyon ni Maymay. Ginanahan silang rumampa dahil dito. (Batuts Lopez)

Kaugnay na Balita

Mainit na Balita

error: Content is protected !!