Kinabukasan Balita

May regulasyon man o wala: John Arcilla, magsusuot pa rin ng face mask alang-alang sa kapwa

Matapos ang aktor na si Romnick Sarmenta, isa pa sa mga celebrity na nagsabing magsusuot pa rin ng face mask, may regulasyon man o wala, ay ang premyadong Kapamilya actor na si John Arcilla.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/09/13/romnick-kebs-sa-palasyo-magsusuot-pa-rin-ng-face-mask/

Ayon sa Instagram post ni Arcilla ngayong Huwebes, Setyembre 15, gagawin niya ito alang-alang sa kapakanan at kaligtasan ng kaniyang kapwa.

“May regulasyon man o wala ay PIPILIIN KONG SIGURADUHIN na ligtas ang aking sarili sa VIRUS at ISAALANG-ALANG ANG KALUSUGAN ng iba lalo na sa MATATANDA at PAMILYANG uuwian ko,” ani John Arcilla.

“ISUSUOT ko ang FACE MASK sa labas man o loob ng gusali maliban sa sarili kong tahanan PARA PANGALAGAAN ang lahat.”

“Mas higit na ayaw kong MAGDUSA SA PAGKAKASAKIT o BAWIAN NG BUHAY ang mga mahal ko, maging ang aking sarili, kaysa MAGBAKASAKALI at hubarin ang face mask na PANANGGALANG ko sa kahit anumang uri ng virus o sakit na maaari kong masagap at maikalat sa mga tao na uuwi rin sa kani-kanilang PAMILYA.”

“Hindi KALAYAAN ang itaya ang sarili sa PELIGRO,” aniya pa.

A post shared by JOHN ARCILLA Official (@johnarcilla)

Makikitang nag-like din sa kaniyang IG post ang aktres na si Cherry Pie Picache.

Namatayan si John ng mga mahal sa buhay dahil sa Covid-19, kabilang na ang kaniyang nakababatang kapatid.

Kaugnay na Balita

Mainit na Balita

error: Content is protected !!