Kinabukasan Balita

Mariel tumiba ng ‘milyones’ sa live selling

Tuloy-tuloy ang pasok ng suwerte kay Mariel Rodriguez Padilla. Marunong kasing tumanaw ng utang na loob ang misis ni Sen. Robin Padilla, at namamahagi talaga siya ng biyaya sa mga supporter nila.

Labis ang saya ni Mariel nang umabot na sa 5M ang mga subscriber niya sa Facebook. At nitong Sabado, nakuha na rin niya ang Gold Play button (1M subscriber) sa YouTube channel niya.

On top of that ang pagiging numero unong senador ni Binoe noong eleksyon. At dahil nalalapit na rin ang kaarawan niya, kaya may pasabog siya.

“Because I’m feeling great we will have a major-major sale!

‘Dos Por Dos’ totoong lilipat na

Pitz Beriña naluha sa ‘Kita Ay Mahal’

Charo, Imee photo inalmahan

“Mark your calendars mga sis because we will do our Triple Celebration Live Selling Sale on August 7, 2022 at 7pm on my Facebook page!” sabi ni Mariel.

Asahan daw ang pagbaha ng good deals at giveaways. Pinasalamatan din niya ang kanyang digital team at ang kanyang pamilya sa suporta nito upang maabot ang success na ito.

Inialay niya ang pagdiriwang sa mga kapwa niya liveseller na nagsilbi niyang inspirasyon, na kahit wala na siyang raket sa showbiz ay naitawid niya ang kanyang pamilya sa panahon ng pandemya.

Hindi kinakahiya ni Mariel na isa siyang live seller. Kinararangal niya ito bilang source of income. (Batuts Lopez)

Kaugnay na Balita

Mainit na Balita

error: Content is protected !!