Kinabukasan Balita

Marian aagawin korona nina Andrea, Sanya sa TikTok

Ang bongga naman ni Marian Rivera, na ilang oras pa lang ang nakalipas, mula nang pasukin na rin niya ang TikTok, umabot na agad sa 13,200 ang kanyang mga follower, ha!

Inanunsiyo nga ni Marian sa kanyang Instagram story na may TikTok na nga siya, at kahit wala pa ngang video siyang pinu-post, dagsa na agad ang mga fan niya.

At ang nakakaloka, ilang oras pa lang ang nakalilipas, ang dami na rin agad gumawa ng fake account ni Marian, na ginaya talaga ang photo niya, at pati pangalan, ha!

Kailangan mo lang busisiin nang husto, dahil ang official na TikTok account ni Marian ay @dantesmarianrivera.

Eh, may iba na gumawa ng @dantesmarianrevira, @dantesmairanrivera.

Pumabor kay PBBM: Bianca tinawag na traydor, balimbing ng…

Madrid ‘inangkin’ ni Umali

Mark, Camille wapakels kina Willie, Toni sa Villar TV

Oh, di ba? Bongga! Lilituhin ka ng mga fake account para lang makahakot ng views, like, gamit ang pangalan ng mga sikat na artista.

Well, mukhang nanganganib na ang pagre-reyna nina Andrea Brillantes, Sanya Lopez, Maymay Entrata sa TikTok, ha!

Well, kung biglang-bigla ay magsu-subscribe ang mga Facebook follower ni Marian sa TikTok account niya, panalo agad siya. Remember, si Marian ang reyna ng FB, na may 26M follower, ha!

Bongga! (Dondon Sermino)

Kaugnay na Balita

Mainit na Balita

error: Content is protected !!