Kinabukasan Balita

‘Maraming salamat sa serbisyo!’ Maxene Magalona, sinaluduhan mga sekyu

Binigyang-pugay ng Kapamilya actress na si Maxene Magalona ang mga sekyu o security guards, na aniya ay mas dapat makasama sa mga groupie o selfie, ayon sa kaniyang Instagram story.

Makikitang nakipag-selfie si Maxene sa ilang mga sekyu na humiling na magpa-picture sa kaniya.

Para kay Maxene, siya ang dapat magpa-picture sa kanila.

“Kami ang dapat nagpapa-picture sa inyo. Maraming salamat sa serbisyo. God bless your kind and honest work,” mababasa sa kaniyang text caption.

Sa kaniyang Instagram post naman, may quote card siya tungkol sa pagpapakita ng kabutihan sa lahat.

“Love them where they are,” aniya.

Kaugnay na Balita

Mainit na Balita

error: Content is protected !!