Kinabukasan Balita

Mangingisda nangisay sa livewire

Nasawi ang isang mangingisda nang makuryente ito habang nag-aayos ng linya ng ilaw sa palaisdaan sa Lucena City, Quezon nitong Martes ng gabi.

Kinilala ng Lucena police ang biktima na si Robert Ortega, 30-anyos at residente ng Barangay Dalahican.

NCAP aprub sa transport group

Bulakenyo nasolo 15.8M jackpot sa Super Lotto 6/49

Kinalasan ng tibo, nagbigti

Ayon sa pulisya, nakalubog ang katawan sa tubig at maaaring hindi namalayan ng biktima na livewire ang nahawakan nito habang inaayos ang kable ng ilaw sa nasabing palaisdaan bandang alas-10:00 ng gabi.

Dahil dito, hindi na nakaahon sa palaisdaan ang biktima at nagkikisay ito habang nakalubog sa tubig. Narekober ang kanyang bangkay sa ilalim na bahagi ng palaisdaan. (Ronilo Dagos)

Kaugnay na Balita

Mainit na Balita

error: Content is protected !!