Kinabukasan Balita

Maid In Malacanang nilampaso Katips

Bongga ang ‘Maid in Malacanang’, hu! Hindi pa man nagbubukas ang mga sinehan nitong Miyerkules ng umaga ay marami nang nakaabang sa labas ng mga mall at sinehan.

Nakakalula ang pila na akala mo raw ay botohan, dahil super haba nga at nagtyatyaga talaga ang lahat sa pagtayo, makaboto lang, este makapanood lang ng movie na ito nina Ruffa Gutierrez, Cesar Montano, Cristine Reyes, Diego Loyzaga, Ella Cruz, Karla Estrada, Elizabeth Oropesa, Beverly Salviejo na dinirek ni Darryl Yap.

Imagine gumising ang mga tao para lang manood ng Maid In Malacanang ha! Kaya sobrang tuwang-tuwa ang producer na si Boss Vic del Rosario.

Sa tantiya ng mga bookers, o cinema owners, at mga netizen na rin, mukhang 70 percent ang nakuha na manonood at kita ng Maid in Malacanang at naghati hati na ang ibang mga sumabay na pelikula sa kanila. Tama ngang sabihin na sobrang lampaso ang ‘Katips’ na katapat nito.

Milyones ni Jimmy Bondoc nilamon ng apoy

Kabog mga superstar: Yassi super lustay ng datung sa Europe,…

Cory binastos daw: Giselle kinamumuhian, tinawag na tanga

Abang-abang pa kami sa official statement ng Viva Films. Pero napanood ko ang live interview ni Ka Tunying kay Direk Darryl at masayang-masaya nga siya.

Nagkalat na rin sa social media ang mga photo na pinipilahan talaga ang Maid In Malacanang.

Nagdagdag na rin ng mga sinehan dahil nagkaubusan daw ng tiket sa ibang mall o sinehan.

Nakakatuwang makita na buhay na naman ang movie industry at sana magtuloy tuloy na nga. (Joe Barrameda)

Kaugnay na Balita

Mainit na Balita

error: Content is protected !!