Kinabukasan Balita

Magdyowa na yarn: James, Nancy super lambingan sa party

Trending sa TikTok ang video, photo, ni James Reid na may kayakap na isang babae, na ang kulay ng buhok ay flaming red o may pagka-fuchsia red nga.

Medyo nahagip ang mukha ng babae, na makinis na makinis, maputing-maputi, at obyus na magandang-maganda. Todo akbay si James sa girl, naka-tube ng black at seksing-seksi rin.

At yes, si Nancy Mcdonie ng Momoland ang nagkakaisang sigaw ng mga faney na kalambingan ni James.

Siyempre, super react ang mga netizen:

“Support na lang tayo kung anong meron sa kanila,” sabi ng isang fan.

“Deserve nila ang isa’t isa.”

“Matagal na `yang video na `yan, dahil red hair pa si Nancy at long hair pa si James.”

“Hindi man natuloy ang teleserye nila, pero mabuti na lang at nagkatuluyan sila.”

“Kung saan masaya si James, masaya na rin ako. Masakit kasi wala nang JaDine, pero that’s reality.”

“Tapos na po ang pila kina James at Nancy. May nanalo na.”

Anyway, maraming beses na ngang nakikita na magkasama sina Nancy at James. Magkakilala naman kasi sila talaga, dahil may nasimulan nga silang teleserye sa ABS-CBN na hindi na natapos, di ba?

AlDub ayaw sumuko: Alden, Maine ‘baby’ nakatago raw sa isla

‘Dos Por Dos’ totoong lilipat na

Pitz Beriña naluha sa ‘Kita Ay Mahal’

Ang dami ring resibo na pinakikita na pareho ang dalawa. Mula sa pag-attend ni Nancy sa birthday party ni James, hanggang sa parehong face mask na suot nila, at pati na rin sunglasses, ha!

Anyway, knowing James, na hindi basta-basta nagsasalita sa mga bagay-bagay na pribado, na kailangan pa ang isang bonggang presscon para magkomento siya, o mag-react, kaya para sa mga ‘Marites’ sapat na ang video, photo na `yon, na may kalambingan nga si James, na si Nancy nga raw, para sabihing magdyowa na ang dalawa.

Nakabalot mukha: Kylie agaw eksena sa event

Agaw-pansin nga si Kylie Padilla sa event ng GMA-7!

Kasi nga, dumating siya sa party na may nakatakip na kulay itim na manipis (see through) na tela sa mukha niya, na tinernohan naman ng guwantes na itim rin, at kumikinang na kulay itim rin na gown.

At todo emote rin siya sa pagrampa, na kering-keri namang dalhin ng bida ng ‘Bolera’.

Pero, aliw lang kami sa chika ng host na si Tim Yap, na kesyo ‘no face mask, no entry’ nga raw ang statement ng outfit ni Kylie.

“Gusto ko lang! Para maiba naman!” sabi lang ni Kylie.

Anyway, mag-isa ngang rumampa sa party si Kylie, dahil ang ka-tandem niya sa ‘Bolera’ na si Rayver Cruz ay si Julie Anne San Jose ang ka-date, at pati si Jak Roberto ay si Barbie Forteza ang kasama.

Samantalang ang ex-husband naman niyang si Aljur Abrenica ay hindi naman imbitado, dahil hindi na nga ito Kapuso, at nag-post din na mukhang siya ang nagbabantay sa mga anak niya noong mga oras na `yon.

Kaugnay na Balita

Mainit na Balita

error: Content is protected !!