Kinabukasan Balita

‘Madali siyang mahalin’ Heaven palaban sa lampungan kay Ian

Ang grupo nina Direk Lino Cayetano ng Rein Entertainment Productions, ang nagsabi na hindi naging madali sa kanila na mapa-‘oo’ si Heaven Peralejo para gumanap na sugar baby ni Ian Veneracion sa pelikulang ‘Nanahimik Ang Gabi’ na pasok sa Metro Manila Film Festival 2022.

Sa pagbisita namin sa shooting nila sa Tagaytay, inamin ni Heaven na talagang hindi naging madali sa kanya para tanggapin ang mapangahas na role.

“Hindi naman. Hahahaha! Ang ganda ng script. Gusto ko talaga. Pero, may mga script na hindi pa siguro ako ready. Parang hindi pa papunta doon. Pakonti-konti pa lang. Pa-tease-tease pa lang,” sabi ni Heaven.

So, paano siya nakumbinsing gawin ang ‘Nanahimik Ang Gabi’?

“Sobrang understanding kasi ng team, sina Direk (Shugo Praico), parang nagkaroon kami ng compromise, at nakakatuwa kasi sa kanila, collaborative sila, na hindi lang director ang nasusunod.

“Kami as an artists, binibigay rin namin ang mga suggestions namin,” sabi ni Heaven.

Well, matindi nga kasi ang role ni Heaven, na sugary baby ni Ian Veneracion. At siyempre, magkakaroon siya ng matitinding lampungan sa guwapong aktor. Bukod pa sa may mga konting pasilip na rin ng alindog.

Pero, kumusta si Ian bilang sugar daddy?

“Sa perspective ba ni Meanne o ni Heaven? Hahahaha!

“Sa perspective ni Heaven, mahirap siya actually. Kasi, independent woman ako, parang ako ang padre de familia sa amin, ako ang provider kumbaga.

“Being an independent woman, it’s kinda hard to love someone na opposite of me. Like, humihingi ako sa kanya ng pera, na alam kong corrupt at abusive cop, na alam ko rin naman na may kapalit.

“Pero, as Meanne, siyempre masaya! Ang guwapo ng chief mo, eh! Hahaha!” natatawang sabi ni Heaven.

Eh, si Ian naman, kamusta si Heaven bilang sugar baby?

“Ako kasi I’ve never worked with Heaven. Pero, I never told you (Heaven) this, kasi baka sabihin mo binobola lang kita, pero you earned my respect as an actor. She’s very professional. Obvious na ginagawa niya ang homework niya. Alam niya ang mga linya niya. She comes on time every single day. ‘Yung output, doon mo mahahalata kung nag-homework o hindi, eh. Pero, grabe ang dedication. Grabe ang hardwork na nilagay niya rito,” sabi naman ni Ian.

Sabi nga ni Ian, first time talaga niya ang ganito karuming papel.

Garrett Bolden bibida sa ‘Miss Saigon’

Alex Diaz umatras makipag-date sa beki

Kwentong droga nina John Lloyd, Lav pasok sa Venice

“First time ko lang ito. Sobrang layo sa tingin kong personality ko. So matrabaho talaga. Pero when I read the script, so refine. This is the story that has to be told. So, sulit ang ginagawa namin,” sabi pa ni Ian.

First time niyang gumanap na sugar daddy ng isang 22 year old na dalaga.

“’Yun nga eh. I think, as actors we don’t have the luxury of not opening certain doors. Hindi natin trabaho yon, hindi natin gagawin. But as an actor, kailangan mong pasukinyon.

“Sometimes it’s hard to swallow.

“Kunyari, sa character ko dito sa “Nanahimik Ang Gabi’, bilang abusadong, corrupt, parang, oh men, I have that in me also.

“Ini-imbibe ko lang ang character. It’s an aspect of myself that I never explored before. That’s why I think this is the best job in the world.

“Pero sulit talaga ang hard work. Sabi ko nga, bakit ganito ka-refine ang script na ito. Sulit talaga,” kuwento pa ni Ian.

Anyway, para mabasag ang ilangan kina Heaven at Ian, kinailangan nilang magsama ng madalas bago ang shooting, o kahit sa shooting mismo.

“We have to, na yun ang usapan namin. We have to be comfortable physically with each other. Sometimes nakatidikit siya sa akin, sasandal siya, at makikita moyon kung may awkwardness, lalo na kung first time kayong magkakasama on screen,” sey ni Ian.

Kahit kaninong babae raw, o leading lady ay ginagawa ni Ian `yon para maging epektibo ang mga eksena nila. Eh, lalo pa raw sa ‘Nanahimik Ang Gabi’ na may mga lampungan silang dalawa.

So, hindi ba natatakot si Heaven na ma-in love kay Ian habang nagsyusyuting sila?

“Hindi naman, kasi kailangan ko rin talagang mag-in love sa kanya, eh. Totoo `yon. We have to fall in love with each other. At hindi naman siya mahirap mahalin.

“Pero, mahirap lang mahalin siya as chief. Kapag nakikita mo na siya as Chief, lumalabas ang dynamics namin, nakakatakot na,” sabi ni Heaven.

Siyanga pala, may mga nakunan na raw na mga sensitive scene sina Ian at Heaven, pero marami pa raw kukunan.

Dapat daw abangan ang mala-‘Simon Says’ na eksena, na kung ano ang iuutos ni Ian, ay ginagawa ni Heaven. At game na game nga raw si Heaven sa mga eksenang `yon with Ian.

Bongga! Abangan!

Kaugnay na Balita

Mainit na Balita

error: Content is protected !!