Kinabukasan Balita

Lee, Magnolia naalog tuhod

Semis Game 2 ngayon: (Araneta Coliseum)
3:00pm – SMB vs Meralco
6:00pm – Magnolia vs TNT
(*SMB, TNT angat 1-0)

NAWALA sa hulog ang Magnolia, isinuko ang 108-96 win sa TNT sa Game 1 ng kanilang PBA Philippine Cup semifinals series sa Smart Araneta Coliseum nitong Miyerkoles.

Para kay Tropang Giga coach Chot Reyes, nag-level up ang Hotshots na kaharap nila ngayon kumpara sa team na tinalo nila sa limang laro sa nakaraang finals ng all-Filipino.

Pagod lang sina Paul Lee at ang Magnolia mula sa sagarang best-of-three kontra NLEX sa quarters kaya alog na ang mga tuhod.

“Wala kami sa rhythm in our offense tsaka sa defense,” punto ni Hotshots coach Chito Victolero. “Masyado kaming nagmamadali, it’s not our game.”

Ang final tally ng Tropang Giga ang pinakaraming puntos na binigay ng Magnolia ngayong conference.

Shumpert tiklo sa marijuana

Sugod lang ‘Dobermann’

Karera Tips Ni JP Gonzales

Sina Lee, Jio Jalalon at Mark Barroca, nag-deliver ng 30 points combined pero hindi na naibalik ang Hotshots mula 84-60 pagkakaiwan sa dulo ng third.

Naka-18 points si Calvin Abueva at 14 kay Ian Sangalang.

Pagkatapos ng isang araw na pahinga, balik ng Big Dome ang magkatunggali sa Game 2 ngayon. Susubukan ng Hotshots na itabla ang best-of-seven.

“Importante malagpasan namin ‘yung fatigue factor. Kailangan nasa isip namin na makaka-compete kami even if we’re tired,” dagdag ng coach.

Sa kabila, pumutok ng 18 points sa first half – 12 sa second period – si Mikey Williams tungo sa 26 points.

May 23 points pa si RR Pogoy at 18 kay Glenn Khobuntin off the bench. (Vladi Eduarte)

Kaugnay na Balita

Mainit na Balita

error: Content is protected !!