Kinabukasan Balita

La Salle may bagong hugot

TINAPIK ng La Salle Green Archers ang serbisyo ng isang Fil-Am standout mula sa Hartford Hawks na si DeRohn Mitchell, Jr. sa one-and-done na laro sa 86th University Athletic Association of the Philippines men’s basketball tournament 2023.

Habang nasa West Hartford, Connecticut-based squad na nasa United State National Collegiate Athletic Association Division I, nagkampeon ang Hawks sa 2021 America East Conference Championship kontra UMass Lowell, pinayuko ng kampeon Baylor sa Division I ang No.16 seed, 55-79.

Hindi muna masisilayan ang 6-foot guard dahil kailangan ng one-year residency kapag nag-enroll siya sa Graduate Studies. Kumakamada siya ng 7.5 points, 2.5 rebounds, at 2.3 assists sa 29.2 minutes kada laro bilang senior player sa Hartford, habang may 41% sa field goal shooting, may epektibong three-point range, at 79% sa foul line.

Robin Hood arangkada

Rondina titser na

Judge hanep sa jome run

Mabilis at malakas na two-guard si Mitchell at kamador sa malayong posisyon na kayang lumikha ng tira galing sa mga off screen, na makakatulong sa mga taga-Taft para punan ang kakulangan sa outside shooting na kapos sa 84th UAAP 2022.

Mga nag-recruit na rin ang Ateneo Blue Eagles, Santo Tomas Golden Tigers at defending champion UP Fighting Maroons. (Gerard Arce)

Kaugnay na Balita

Mainit na Balita

error: Content is protected !!