Kinabukasan Balita

LA iiwas mabokya

AYAW patinag si LA Tenorio kahit do-or-die na ang Ginebra kontra Meralco sa kanilang PBA Philippine Cup quarterfinals series.

Nagkalat ang No. 4 Gin Kings at naisahan ng No. 5 Bolts 93-82 sa Game 1 ng best-of-three noong Linggo sa Smart Araneta Coliseum.

Inalat ang veteran playmaker sa 0 of 5 shooting, pero may 4 rebounds at 4 assists.

Huling hindi umiskor sa isang laro si Tenorio noong Sept. 12 nang malasin sa 0 of 13 kontra TNT.

Zubiri, Romualdez naluklok na lider ng Senado, Kamara

Dineklara sa SONA! Wala nang lockdown

Ateneo shooting panggising sa PNP – Sec Trixie

Kagandahan, may apat na araw na pahinga ang Gins para paghandaan ang Game 2 sa Biyernes sa Filoil EcoOil Arena sa San Juan.

“Kung back-to-back games ito, baka ang hirap maka-recover,” anang 38-year-old. “May recovery time naman, so I’m sure makaka-adjust kami.”

Naiwan ng hanggang 21 sa bukana ng fourth quarter ang Ginebra at hindi na nakabalik.

Kahit ang 29 points, 10 rebounds ni reigning MVP Scottie Thompson, hindi naisalba ang crowd favorites. (VE)

Kaugnay na Balita

Mainit na Balita

error: Content is protected !!