Kinabukasan Balita

Kung sa Kapamilya Network daw ang remake; Joshua at Jane, mas bagay sa ‘Start-Up Ph’

Marami na ang nag-aabang sa dalawang bagong shows ng ABS-CBN at GMA Network na “Mars Ravelo’s: Darna The TV Series” nina Jane De Leon, Joshua Garcia, at Janella Salvador, at “Start-Up Philippines” nina Alden Richards, Jeric Gonzales, Yasmien Kurdi, at ang unang teleserye ni Bea Alonzo bilang isang Kapuso.

Ngunit may mga netizen ang nakapansing kung Kapamilya Network daw ang gumawa ng remake, mas bagay raw sina Jane at Joshua bilang “Seo Dal-mi” at “Nam Do-san”.

Marami raw sa mga netizen ang nakapapansing may malaking pagkakahawig si Jane sa South Korean star na si Bae Suzy na siyang gumanap sa papel na “Seo Dal-mi”.

Anyway, malapit nang mapanood sa Agosto ang “Mars Ravelo’s Darna: The TV Series” na magiging kapalit ng longest-running teleseryeng “FPJ’s Ang Probinsyano” ni Coco Martin, matapos ang pitong taong pamamayagpag sa ere.

Sa “Start-Up Ph” naman, wala pang eksaktong petsa kung kailan ito mapapalabas, pero ngayon pa lamang ay nasasabik na ang mga tagahanga ni Bea na muli siyang mapanood sa pagbabalik-pag-arte. Mabigyang-hustisya kaya nila ang sikat na K-drama? Abangan!

Kaugnay na Balita

Mainit na Balita

error: Content is protected !!