Kinabukasan Balita

Kiray Celis niregaluhan ng P63k ang ama nang magdiwang ng 63rd birthday; OK lang maubos ang ipon sa money cake

Jonathan at Kiray Celis

“SANA all!” Yan ang nagkakaisang reaksyon ng mga tagahanga at social media followers ni Kiray Celis matapos sorpresahin ang kanyang ama sa kaarawan nito.

Aliw na aliw ang mga netizens sa video na ipinost ng Kapuso comedienne sa kanyang social media account kamakailan na kuha sa birthday celebration ng ama.

Ayon kay Kiray, handa siyang ubusin ang kanyang savings mula sa pagtatrabaho bilang artista para lang mapasaya ang kanyang mga magulang.

Sa isang TikTok video ng komedyana, makikita nga ang tatlong pa-surprise niya sa ama at isa na nga riyan ang pagbibigay niya rito ng P63,000 para sa ika-63 kaarawan nito.

Idinaan pa ito ng komedyana sa pamamagitan ng isang money cake, “63K sa 63 years old birthday boy!”

“Maubos man ang ipon ko sa kakapa-money cake sa inyo every birthday niyo ni mama, okay lang,” bahagi pa ng caption ni Kiray sa in-upload niyang TikTok video.

“Sobrang thankful at blessed ako taon-taon na nadadagdagan lagi ang buhay niyo. Mahal na mahal ko kayo papa at mama!” pahayag pa ni Kiray.

Bukod sa cash, niregaluhan din ni Kiray ng alahas sa kanyang ama.

Ang birthday wish naman ng tatay ni Kiray ay maayos na kalusugan para sa kanya at sa buo nilang pamilya, lalo na sa kanyang misis.

Last year, P62,000 naman ang regalo ni Kiray sa ika-62 kaarawan ng kanyang ama.

At noong magdiwang naman ng 56th birthday ang kanyang pinakamamahal na nanay, niregaluhan niya ito ng P56,000 na inilagay ni Kiray sa loob ng lechon.

Xian may sapat nang ipon para pakasalan at buhayin si Kim, pero…

Paolo ‘nadamay’ sa viral photo ng babaeng empleyado; nangakong reregaluhan ng tunay na cake

Alden hiyang-hiya nang ipa-tattoo ng female fan ang pangalan niya: Grabe naman to!

Kaugnay na Balita

Mainit na Balita

error: Content is protected !!