Kinabukasan Balita

Kinalasan ng tibo, nagbigti

Wala ng buhay nang maabutan ng kanyang kapatid ang isang 20-anyos na dalaga matapos itong magbigti dahil sa pagkalas umano ng karelasyon nitong tomboy sa San Andres, Malate, Maynila noong Miyerkoles ng gabi.

Sa imbestigasyon ni P/Cpl. Gary Reyes,ng Manila Police District-homicide division, ayon kay ‘Maritess’, bumungad ang nakabigting bangkay ng kanyang kapatid sa loob ng kanilang kuwarto bandang alas-8:15 ng gabi.

NCAP aprub sa transport group

Bulakenyo nasolo 15.8M jackpot sa Super Lotto 6/49

Mangingisda nangisay sa livewire

Ayon kay Maritess, nauna rito’y tumawag siya sa kapatid bandang alas-7:55 ng gabi para ipagbilin na iwanang nakabukas ang kanilang gate para sa kanyang pag-uwi.

Hindi umano ito sumagot sa kanyang tawag. Huling nakitang buhay ang dalaga ng alas-8:45 ng umaga habang nakikipag-usap ito sa karelasyon na tomboy. Nagbanta pa umano ito na magpapakamatay kapag nakipagkalas sa kanya ang tibo.
Una umano itong nagbanta na magpapakamatay nang mag-away sila ng tomboy noong Mayo. (Juliet de Loza-Cudia)

Kaugnay na Balita

Mainit na Balita

error: Content is protected !!