Kinabukasan Balita

Kim Chiu, navideohan ang pagyanig sa loob ng bahay: ‘Akala ko nasa dagat ako na sobrang maalon!’

Ibinahagi ni Kapamilya actress-host Kim Chiu ang nakuhanan niyang video ng pagyugyog ng mga chandeliers sa loob ng kaniyang bahay, habang lumilindol ngayong umaga, Hulyo 27, 2022.

Makikita sa video na nai-tweet ni Kim ang malakas na pag-alog ng mga ilaw. Inakala raw niyang nasa maalon siyang dagat dahil sa malakas na yanig.

β€œEto lang na video ko sa pagka over over ng lindol!!!!!!!!😱😱😱 ang tagal and nakakatakot sa lakas ah!!!!! Akala ko nasa dagat ako na sobrang ma alon! I kennot!πŸ™ˆπŸ™ˆπŸ™ˆ kamusta kayo? Naramdaman nyo din ba sa area nyo?” caption ni Kim.

Eto lang na video ko sa pagka over over ng lindol!!!!!!!!😱😱😱 ang tagal and nakakatakot sa lakas ah!!!!! Akala ko nasa dagat ako na sobrang ma alon! I kennot!πŸ™ˆπŸ™ˆπŸ™ˆ kamusta kayo? Naramdaman nyo din ba sa area nyo? pic.twitter.com/H7ATMxl2cS

Maririnig naman sa video ang pahayag ni Kim.

β€œHala ang lakas ng lindol! Oh my gosh! Oh my gosh, I’m scared. OMG.”

Naitala ang magnitude 7.3 na lindol sa Lagangilang, Abra, 7.1-magnitude naman sa Dolores, Cordillera, at 6.8-magnitude naman sa Ilocos Norte, ayon sa Phivolcs.

Pinag-iingat naman ang lahat sa aftershocks.

Kaugnay na Balita

Mainit na Balita

error: Content is protected !!