Kinabukasan Balita

Kiefer, pumalag sa tsismis na nakikipag-date na raw matapos ang hiwalayan nila ni Alyssa

Hindi na nakapagtimpi ang basketball star na si Kiefer Ravena at pinabulaanan ang mga kumakalat na tsismis na may bago na raw siyang ka-date, matapos ang ilang buwang hiwalayan nila ng dating karelasyong si volleyball superstar Alyssa Valdez.

Sa isang Instagram post ay nilinaw ni Kiefer ang isyu dahil marami na umanong pangalan ang nadadawit at nakakaladkad.

“These past few days have been dirty and ugly,” saad ni Kiefer.

“It’s time (to) put a halt to it. Alyssa released a statement in May regarding our separation last January. We both agreed to move on peacefully and we respect each other’s decisions.”

“However, family, friends, acquaintances,and a lot of innocent names have been dragged into this issue and their reputations stained because of unfounded assumptions and malicious accusations.”

“Rumors that I am dating anyone right now are completely false and hurtful, especially to those who have been unwittingly dragged into this issue,” ani Kiefer.

“I’ve made mistakes in the past but I’ve learned from those mistakes. But these still do not give anybody the right to bash others,” giit pa ng basketball player sa pahayag.

Hanggang ngayon ay hindi pa malinaw ang dahilan ng hiwalayan ng dalawa, na sumabay sa kasagsagan ng mga celebrity couple na napabalitang naghiwalay na ng mga landas.

Kaugnay na Balita

Mainit na Balita

error: Content is protected !!