Kinabukasan Balita

Khimo Gumatay itinanghal na ‘Idol Philippines 2’ champion; wagi ng P1-M, house & lot, recording contract, beauty clinic

Khimo Gumatay

WAGING “Idol Philippines” season 2 champion si Khimo Gumatay sa ginanap na final showdown kagabi na napanood sa iba’t ibang platforms ng ABS-CBN.

Nakakuha si Khimo ng 89 percent mula sa combined votes ng mga manonood at ng mga judges at natalo nga ang mga kalaban niyang “Idol” hopefuls na sina Ryssi Avila at Kice.

“Alam kong malaking responsibilidad ito pero gagawin ko, ito na ang bagong simula ulit. Pagbubutihan ko pa ulit,” ang bahagi ng acceptance speech ni Khimo.

Super impressed sa kanya ang huradong si Gary Valenciano nang kantahin niya ang “Bagong Simula” ni Jem Macatuno. Pinabilib din niya ang madlang pipol sa sarili niyang kanta na “My Time” composed by Jeremy Glinoga.

“Pinatunayan mo talaga na this whole journey is a new beginning for you and tonight, ang ganda ng pagka-communicate mo sa tao na hindi ka tumayo riyan para mapanood ka ng tao pero para mapakinggan ka ng bawat isa, na marinig ka ng bawat isa roon sa mensahe ng kanta mo,” pahayag ni Gary V.

Bukod sa titulong “Idol Philippines” season 2 grand champion, wagi rin si Khimo ng isang franchise ng Dermacare worth P3 million, recording contract mula sa ABS-CBN Music, P1 million cash, at house and lot na nagkakahalaga ng P2.5 million galing sa Camella Homes.

Para sa huling bakbakan, kinanta ni Ryssi ang “Lilim” ng Victory Worship habang nagpakitang-gilas naman si Kice with “Your Love” by Alamid. Nag-perform din sila with their new songs “Totoo Na ‘To” composed by Rox Santos para kay Ryssi at “Angels” composed by Jon Guelas para naman kay Kice.

Matatandaang napabilib ni Khimo ang mga “Idol” judges na sina Gary Valenciano, Regine Velasquez, Chito Miranda at Moira dela Torre sa huling araw ng auditions with his rendition of “Isn’t She Lovely” by Stevie Wonder.

Vice Ganda nakipag-meeting daw kay Bobot Mortiz, tuloy na nga ba ang paglipat sa GMA 7?

‘Idol PH’ champion Zephanie handa nang sumabak sa akting; pangarap makatrabaho ang Gold Squad

Chito sa solid na samahan ng Parokya ni Edgar: Sa amin, music is secondary, barkada lang muna kaming lahat

Nanay ni Hidilyn walang ginawa kundi magdasal habang lumalaban ang anak: Sobra-sobrang kaba!

Kaugnay na Balita

Mainit na Balita

error: Content is protected !!