Kinabukasan Balita

Karla itinanggi paglipat sa Villar TV

Kasama ni Karla Estrada ang dyowa niya sa SONA 2022. Dahil matatag na ang love life niya, na tulad kina Daniel Padilla, Kathryn Bernardo, tinanong ko siya kung sino ang mas unang ikakasal sa kanila?

Sumagot ito na, “Magbabato-bato-pik na lang kami,” sabay tawa.

Sabi ni Karla, ang KathNiel na talaga ang magkakatuluyan.

“Momsie, ang tagal na rin nila, marami na rin silang pinagdaanan. Feeling ko sila na…sana naman,” komento niya.

Regine babalik sa ‘Magandang Buhay’

Aminadong laos na: RR Enriquez ‘di ‘magpapasawsaw’ kay…

Janine, Lovi serye wagi sa LA LGBTQ+ Film Fest

Anyway, nilinaw ni Karla na hindi siya lilipat ng istasyon kahit nagpaalam na siya sa Magandang Buhay. May mga chika kasi na may show na siya agad sa Villar TV.

Sey niya, mas magpu-focus daw siya sa Tingog partylist.

“Nakakaloka naman ‘yung lilipat ako. Hindi ko pa nakakausap ang mga bosses ng ABS-CBN. Pero ang gusto ko sa Tingog muna ako magserserbisyo.” (Rey Pumaloy)

Kaugnay na Balita

Mainit na Balita

error: Content is protected !!