Kinabukasan Balita

Kara David, proud sa anak na magtatapos sa UP ngayong taon

Proud ang ina at kilalang dokumentarista na si Kara David sa pagtatapos ng kaniyang anak sa University of the Philippines (UP) ngayong taon.

Sa isang Instagram update, ipinagmalaki ni mamahayag ng GMA News and Public Affairs ang panibagong achievement ni Juliana Kristiana David, ang makapagtapos sa UP Diliman.

“Parang kailan lang… ngayon magtatapos ka na ng kolehiyo. So proud of you anak. Masipag, matalino, mapagkumbaba at mapagmalasakit sa kapwa. Ikaw ang pinakamagandang nangyari sa aking buhay,” mababasa sa isang Instagram update ni Kara, Miyerkules.

Sa kursong Bachelor of Science in Family Life and Child Development, kabilang si Julia Kristiana sa Class 2022 ng UP ngayong taon.

A post shared by Kara David (@iamkaradavid)

Inulan ng pagbati ang Instagram post ni Kara.

Kabilang sa mga nagpaabot ng pagbati kay Kara at sa kaniyang anak ang mga kasamahan sa midya kabilang na sina Nelson Canlas, at MJ Marfori.

Kaugnay na Balita

Mainit na Balita

error: Content is protected !!