Kinabukasan Balita

Kapit sa patalim? Wala akong tinanggap na pera kay PBBM – Ka Tunying

Maluha-luha si Rossel Taberna, misis ni Ka Tunying (Anthony Taberna) nang hingan namin ng birthday wish.

Nag-celebrate nga ng bonggang birthday party si Rossel, kasabay na rin ang paglulunsad ulit ng Taberna Group of Companies (TGC), na binubuo ng Ka Tunying’s restaurant, Outbox Media Powerhouse Corp., Tune in kay Ka Tunying YouTube channel.

Sabi nga ni Rossel, naibigay na ng Diyos ang birthday wish niya, at `yon ay ang tagumpay ng anak nilang si Zoey labans a cancer.

“Birthday wish, sa totoo lang po, natanggap ko na. Sabi ko nga, itong mga ito, bonus na lang lahat. Basta kumpleto na kami, si Zoey nakakasama namin, bumabalik na ang dati niyang lakas, masigla na siya. Okey na ako roon. Nakuha ko na ang birthday wish,” sabi ni Rossel.

Samantala, nilinaw rin ni Ka Tunying ang tsismis na kaya siya sumuporta kay President Bongbong Marcos ay dahil binayaran siya ng malaki.

“Ginagamit kasi ng iba ito laban sa akin. Na kaya ako raw ay nag-BBM dahil kapit ako sa patalim. Ako na ang nagsasabi sa inyo, na as early as January (2022), totoo po na tinawagan ako ni First Lady Liza Marcos. Napakabait niyang tao.

“Sabi niya, tutulong daw sila financially. Ang mga tao niya mayat-maya tumatawag, tinatanong kung paano ipapadala ang tulong. Hindi ko po sinasagot.

“Hanggang sa oras na ito, July 31, wala po akong tinanggap na tulong sa kanila ni isang kusing. Wala akong tinanggap na tulong mula kay President Marcos, at kahit sa asawa niya.

“Just to set the record straight. Pero, gusto kong pasalamatan ang kanilang gesture, na nag-alok sila ng tulong, napakasarap sa pakiramdam,” sabi ni Ka Tunying.

Pero, ano ang reaksiyon nila na hindi niyo tinanggap ang tulong nila?

Chandelier, wind chimes’ Catriona pinagtawanan, nilait sa…

Kylie pinarusahan mga manyakol

Derrick baliw sa alindog ni Elle

“Nagpipilit pa rin sila hanggang ngayon. Kahit noong tapos na ang halalan, nag-aabiso pa rin sa akin. Ang sinasabi ko kasi, nakakaraos naman kami sa awa ng Diyos. Sabi ko na lang, kapag nangailangan ako ng tulong, ako na po ang tatawag. ‘Yan na lang ang sinasabi ko sa mga gustong tumulong.

“Ayoko na lang sabihin ang iba, pero marami po sila na gustong tumulong,” sambit pa ni Ka Tunying.

Bayani tumawa, nag-peace sign kay Vice Ganda

Samantala, nakita ko sa birthday party ni Rossel si Bayani Agbayani, kasama ang misis niyang si Lenlen. As usual, kapuri-puri si Lenlen dahil ang seksi-seksi nga.

“Tumaba na nga ako, dahil ayaw ni Bayani na masyado na raw akong payat,” sabi ni Lenlen.

Sabi nga ni Bayani, siya na mismo ang nagpapakain kay Lenlen para madagdagan ang timbang.

Anyway, alam naman ng lahat na hindi man aminin, may namumuong ‘friction’ sa pagitan nina Bayani at Vice Ganda. Nagpapatutsadahan nga raw ang dalawa, base sa basa ng mga netizen, kahit hindi sila magbanggit ng mga pangalan.

Ramdam kong ayaw pag-usapan ni Bayani ang isyung ‘yon, dahil knowing him, hindi naman siya mahilig sa mga intriga.

Kaya nang biruin ko na siya tungkol doon, napahalakhak na lang siya, sabay nag-sign ng peace (na ginagamit ding sign ng mga supporter ni Pres. Bongbong Marcos).

Anyway, maingay rin naman sa venue ng party (Elements, Centris) kaya hindi rin masyadong makapag-usap.

Kaugnay na Balita

Mainit na Balita

error: Content is protected !!