Kinabukasan Balita

Kalat sa socmed: Arjo nag-propose na raw kay Maine sa Batangas

Lumabas sa Instagram (everythingarmaine) ang video na kung saan ay may mga bonggang fireworks, na diumano ay kuha noong July 28, 20200 sa Batangas.

May caption ang video na ‘Arjo and Maine Engagement Proposal Fireworks’.

Kasunod ang mensahe rin na, “So ayun guys, unahan ko na mga Marites diyan. Si Arjo nag-propose na kay Maine. July 28, 2022. Location: Tali Beach, Nasugbu, Batangas.

Mababasa rin ang iba’t ibang mensahe tulad ng mga sumusunod:

“Congrats agad sa inyo @mainedcm and @AtaydeArjo. Unahan ko na kayo sa media, hehe.”

“Congrats mga sis! Share ko na ah. Excited lang. hehehe. #engaged.”

‘Maid in Malacanang’ ipalalabas sa Tate

‘Susunugin ko bahay mo’ Aljur binantaan ng ate ni AJ Raval

Liza, James todo bonding kay BamBam ng Korea

“Arjo Atayde nag-propose na kay Maiine. Unahan ko na si Xian Gaza and Ma’am Cristy Fermin.”

“Mga bess andami artista d2 sa Tali ngayon. Nag-propose na si Arjo kay Maine. Ang ganda ng fireworks pagdaan namin. I-expose ko yan. Mauna na ako kay Cristy Fermin.”

Siyempre, may mga nagtatanong pa rin kung totoo ba ang chika, kung legit ba talaga `yon? Pero, marami rin ang humihiling na sana totoo na talaga.

At marami rin ang natuwa kung totoo nga, na pakakasal na raw ang idolo nila sa susunod na taon.

Sabi nga ng mga fan, “Karapatan naming malaman ang totoo. Parang awa niyo na.”

Well, abang-abang guys! (Dondon Sermino)

Kaugnay na Balita

Mainit na Balita

error: Content is protected !!