Kinabukasan Balita

Kahit ‘antokyo japan,’ Kim Chiu, naglakwatsa sa Disney World sa Amerika

Naglakwatsa kamakailan sa tinaguriang magical place on earth ang Kapamilya actress na si Kim Chiu.

Ilang serye ng mga larawan ang ibinahagi ng Kapamilya star sa kaniyang Instagram update, Miyerkules.

“Finally at the 𝐇𝐀𝐏𝐏𝐈𝐄𝐒𝐓 𝐏𝐋𝐀𝐂𝐄 𝐎𝐍 𝐄𝐀𝐑𝐓𝐇, 𝐃𝐈𝐒𝐍𝐄𝐘 𝐖𝐎𝐑𝐋𝐃!🌎😍 Had so much fun! Like super! Pero struggle is real!!! Labanan natin ang jet lag ANTOKYO JAPAN habang nasa happiest place on earth! 🤣🤣😂 hirap eh!! check out last photo!!! (caption please?)😅 hihihi,” mababasa sa caption ni Kim.

A post shared by Kim Chiu 🌸 (@chinitaprincess)

Naispatan pa ang aktres na nilalaban ang antok habang naglalakwatsa sa sikat na destinasyon.

Sa hiwalay na post sa Instagram pa rin, ipinasilip ni Kim ang ilang tagpo sa kanilang Disneyland.

A post shared by Kim Chiu 🌸 (@chinitaprincess)

“It was a magical feeling watching the fireworks display.✨ Aside from the fireworks, its really how they give the message that will touch your heart and made you realize things. I 🥹. That was an experience I will never forget. Ang saya!!!❤️ truly a magical feeling,✨✨✨” saad ng aktres.

Kaugnay na Balita

Mainit na Balita

error: Content is protected !!