Kinabukasan Balita

K Brosas, Pokwang naaksidente, nagtamo ng mga sugat at pasa

K Brosas, Pokwang naaksidente, nagtamo ng mga sugat at pasa

LABIS ang pasasalamat ng singer-comedienne na si K Brosas matapos nilang makaligtas ng kaibigang si Pokwang mula sa aksidente habang nasa Amerika.

Mismong ang komedyana ang nagkumpirma ukol sa naganap na car accident sa pamamagitan ng pagpo-post sa kanyang Twitter account nitong Lunes, Agosto 1.

“So na car accident kami kanina, thank You lord at safe naman kami, ako lang ang may minor cut at may konting bruises,” pagbabahagi ni K.

Bagamat ligtas na mula sa aksidente ay hindi naman siya nakaligtas mula sa mga sugat at pasa dulot ng car accident.

“Naloka ako sa bilis ng pagdating ng ambulance firetrucks etc.. na check naman ako at ok lang, mabuti malaki yung pickup truck kung saan kami nakasakay. TYL!” pagkukuwento pa ni K.

Ipinakita rin niya ang larawan ng itsura ng kanilang sinasakyan matapos mabangga sa kanyang Twitter account.

“Eto po pala itsura ng bangga.. sa side ko talaga impact kaya ako lang ang mejo na injure ng burberry (very very) light lang malayo sa bituka hehe.. still thank you lord talaga.. ok pa rin naman ako at kaming lahat. stay safe po,” sey pa ni K.

eto po pala itsura ng bangga.. sa side ko talaga impact kaya ako lang ang mejo na injure ng burberry light lang malayo sa bituka hehe.. still thank you lord talaga.. ok pa rin naman ako at kaming lahat. stay safe po. 🙏😅 pic.twitter.com/ksX5dTQ443

— carmela brosas (@kbrosas) August 1, 2022

Sa video na ini-upload ng News5, mas naging detalyado ang kanyang pagkukwento ukol sa naganap na aksidente.

“Na-T bone, T-bone yung term nila. Na T-bone ‘yung pick up truck kung saan kami nakasakay. Ako, si Pokie (Pokwang) sa kabila ko, si Joel, yung assistant ko na nasa harapan ko, naka-seat belt,” lahad ni K.

Aniya, may video raw dahil nakunan ito ng kanyang kasamahan pero minabuti niyang huwag na itong ipakita dahil baka maka-trigger daw ito ng alaala ng iba.

“Ako yung naapektuhan nang tdo kasi sa aking tumama pero nakapag-brace kasi kami kasi parang nakita na namin,” chika pa ni K.

Siya raw ang labis na nasugatan sa nangyari matapos niyang bumagsak sa sahig nang naganap ang aksidente pero dumating naman agad para rumesponde ang ambulansya.

Nagbiro pa nga daw si Pokwang at sinabing parang lahat daw ng ahensya ng gobyerno ay darating para tulungan sila ni K.

Sinigurado naman ng mga medic at mga doctor na maayos ang kanilang mga kalagayan at sa ngayon ay sakit lang daw ng katawan ang nadarama niya.

Hiling naman ni K ang agarang paggaling ng katawa mula sa nangyari.

Related Chika:
K Brosas umapela sa madlang pipol na nagpa-book sa Siargao: ‘Wag muna tayo magpa-refund

K Brosas kinasuhan na ang contractor ng di matapos-tapos n’yang bahay

Diether humingi ng paumanhin sa kinasangkutang aksidente; nagtamo lang ng bukol at galos

Kaugnay na Balita

Mainit na Balita

error: Content is protected !!