Kinabukasan Balita

Juliana, inunfriend ng mga taga-It’s Showtime; hindi sinabihang babalik na ang Miss Q&A

Nakapanayam ni Ogie Diaz via video call si Miss Q&A Season 1 Grand Winner Juliana Parizcova Segovia hinggil sa mga kumakalat na isyu sa umano’y pang-eelbow sa kaniya sa muling pagbabalik sa season 3 ng naturang timpalak, sa noontime show na “It’s Showtime”.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/07/24/na-elbow-juliana-segovia-ligwak-sa-teaser-ng-miss-qa-comeback-sa-its-showtime/

Napansin ng mga netizen na wala umano sa teaser si Juliana at waley rin sa production number, sa pilot episode nito.

Gayunman, binanggit naman siya ni Unkabogable Star Vice Ganda sa spiel nito.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/07/26/juliana-binanggit-ni-vice-ganda-sa-pagbabalik-ng-miss-qa/

Ayon kay Juliana, hindi na rin niya inaasahang makakabilang siya sa season 3 nito dahil unfriended na raw siya ng ilang staff ng Showtime.

“Anong feeling mo na hindi ka nakasama sa opening teaser?” usisa ni Ogie, na mapapanood sa Ogie Diaz Showbiz Update.

“Parang in-expect ko naman na. Parang hindi na rin naman na ako umasa,” ani Juliana.

“Na-confirm ko kasi, noong una kasi puro chika-chika lang na babalik ang Miss Q&A. So noong nag-message sa’kin si Lars (Pacheco), tinatanong niya kung kasama ako ng Monday sa opening prod, doon ko na-confirm na meron pala talaga na Miss Q&A na babalik.”

“So sabi ko, ‘Hindi, hindi ako nasabihan’. And then tinanong din ako ni Matmat (Centino) kung kasama ako. Sabi ko, ‘Hindi, hindi rin ako nasabihan.’ So, sabi ni Matmat hindi nga rin siya na-advice. Hindi rin siya na-invite, parang ganoon.”

“Pero ako kasi, parang feeling ko, hindi na rin ako umasa na magiging part ako ng season 3 kasi may ilang mga taga-Showtime na in-unfriend na rin ako. Ibang mga staff, mga ano, so feeling ko hindi na rin talaga mangyayari.”

Noong Hulyo 27 ay ibinahagi ni Juliana sa kaniyang Instagram ang guesting niya sa “Tropang LOL”, na kaback-to-back ng “It’s Showtime”.

“Thank you so much @tropanglol,” caption ng komedyante.

Isang netizen naman ang nagtanong sa kaniya.

“Kayo po ay Grand Winner ng kauna-unahang ‘Miss Q&A’ segment ng ‘It’s Showtime’, na muling nagbabalik sa panibagong season. Maraming nagtataka kung bakit wala ka sa teaser nito, gayundin sa production number, sa muling pagbabalik ng nasabing segment. Asking for Thesis purposes.”

A post shared by Juliana Parizcova Segovia (@juliana_parizcova)

Samantala, wala pang tugon, reaksiyon, o pahayag ang kampo ng “It’s Showtime” kaugnay ng isyung ito.

Kaugnay na Balita

Mainit na Balita

error: Content is protected !!