Kinabukasan Balita

Jovelyn bubuhatin Army-Black Mamba

Standings W L
Cignal HD 4 0
PLDT 3 1
Creamline 3 1
Black Mamba 2 2
Choco Mucho 1 3
Cherry Tiggo 1 3
Petro Gazz 0 4

Mga laro ngayon:
(FilOil Flying V-Arena)
2:30pm — Black Mamba vs Chery Tiggo
5:30pm Petro Gazz vs Cignal HD

MAGBABAWI ang grupo ni Jovelyn Gonzaga at ang Army-Black Mamba Lady Troopers kontra Cheryy Tiggo Crossovers upang makabalik sa winning column at maipaglaban ang 4th place bago ang matinding semifinal round sa 2022 Premier Volleyball League (PVL) Invitational Conference sa FilOil Flying V-Arena sa San Juan City ngayong araw.

Yumuko sa huling laban ang Lady Troopers laban sa PLDT High Speed Hitters sa four sets upang maputol ang two-game winning streak at mailagay sa solo fourth place. a

Haharapin ng Army ang Chery Tiggo na nakuha naman ang kanilang unang panalo sa nagdaang laro sa unang bakbakan sa alas-2:30 ng hapon, na susundan naman ng labanan ng undefeated na Cignal HD at kulelat na Petro Gazz Angels sa alas-5:30.

Zubiri, Romualdez naluklok na lider ng Senado, Kamara

Dineklara sa SONA! Wala nang lockdown

Ateneo shooting panggising sa PNP – Sec Trixie

Matapos na maging maganda ang simula ng Lady Troopers sa huling laro, paunti-unting naupos ang sigla ng koponan na pilit na binuhat ng 30-anyos na 2021 Southeast Asian Games beach volley bronze medalist na si Gonzaga na lumikha lang ng 11 puntos katulong ang beteranong si Joanne Bunag na may 10.

Umaasang makakabalik para sa Lady Troopers sina Mitch Morente at Honey Royse Tubino na hindi nakalaro sa nagdaang pagkatalo, habang kinakailangang magdoble kayod sa pagbibigay ng magandang pasa si playmaker Ivy Perez, katulong sina Nene Bautista, Jeanette Villareal, Mary Anne Esguerra, Jem Gutierrez at Mary Jean Balse-Pabayo.

Matagumpay namang nasungkit ng Chery Tiggo ang unang panalo sa bisa ng three-set sweep kontra Petro Gazz Angels noong nagdaang Huwebes.

Pabida sina Shaya Adorador, EJ Laure, Mylene Paat, Czarina Carandang, playmaker Alina Bicar at nagbabalik na si Buding Duremdes. (Gerard Arce)

Kaugnay na Balita

Mainit na Balita

error: Content is protected !!