Kinabukasan Balita

‘John Lloyd Cruz,’ arestado sa pinaghihinalaang shabu

Isang lalaking kapangalan ng sikat na aktor na si ‘John Lloyd Cruz’ ang inaresto ng mga otoridad matapos na makumpiskahan ng hinihinalang shabu sa San Andres Bukid, Manila nitong Martes, Hulyo 26.

Ang suspek na si John Lloyd Cruz y Dequino, 19, walang hanapbuhay at residente ng 2515 Radium St., San Andres Bukid, ay nakapiit na at nakatakdang sampahan ng kasong paglabag sa Republic Act 9165 o The Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Batay sa ulat ng Sta. Ana Police Station 6 (PS-6) ng Manila Police District (MPD), nabatid na dakong alas-5:00 ng madaling araw nang maaresto ang suspek sa Phase 2, Onyx St., sa San Andres Bukid, na sakop ng Barangay 775.

Kasalukuyan umanong nagpapatrolya ang mga personnel ng Barangay 775, Zone 84, nang mamataan ng mga ito ang suspek na kahina-hinala ang kilos kaya’t sinita ito.

Kaagad namang inaresto ang suspek nang makumpiskahan ng tatlong plastic sachet na may lamang hinihinalang shabu, na tumitimbang ng halos dalawang gramo at nagkakahalaga ng P13,600. 

Kaugnay na Balita

Mainit na Balita

error: Content is protected !!