Kinabukasan Balita

Joaquin, 20, isa nang ganap na ama, pagkukumpirma ni Isko Moreno

Kinumpirma na mismo ni dating Manila Mayor Isko Moreno na isa nang ama ang kaniyang anak na si Joaquin.

Sa isang artikulo ng Modern Parenting nitong Lunes, kaswal na ibinahagi ni Isko ang kaniyang pagiging isang ganap na lolo.

Pagmamalaki pa ng dating alkalde, kamukha niya ang unang supling ni Joaquin at ng hindi pinangalanang girlfriend nito.

“Siyempre kikiligin ka lalo na kapag kamukha mo. I’m really enjoying it. I’m happy and grateful to God. Of course, I’m happy for Joaquin. Having a child, naturally, will create a certain mindset in terms of priorities,” saad ni Isko.

Bagaman hindi na nagbahagi ng iba pang detalye ang ama, malinaw namang sinabi ni Isko na welcome sa kanilang pamilya ang baby.

Noong Hunyo, matatandaan ang pagbulgar ni Cristy Fermin kasama sina Romel at Morly kay Jaoquin sa sana’y isang blind item tungkol sa isang young actor na nabuntis ang kaniyang girlfriend.

Basahin: Lolo Isko? Joaquin Domagoso, tatay na raw, hawig ni Yorme ang baby – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Sa parehong blind item, tinukoy na karelasyon ni Joaquin ang isang “Raffa Castro” at magdadalawang buwan na raw ang sanggol noong Hunyo 28.

Napabalita ring may pumipigil sa 20-anyos na aktor at ngayo’y amang si Joaquin sa pagsasapubliko ng kaniyang panganay.

A post shared by Joaquin Domagoso (@jdomagoso)

Isang maningning na artista ng Sparkle ng GMA Network si Joaquin na huling bumida sa seryeng “First Yaya/Lady.”

Kaugnay na Balita

Mainit na Balita

error: Content is protected !!