Kinabukasan Balita

Jessy Mendiola tinamaan ng COVID-19: It was the hardest 11 days of my life

Jessy Mendiola tinamaan ng COVID-19: It was the hardest 11 days of my life
NAGPOSITIBO sa COVID-19 ang actress-vlogger na si Jessy Mendiola habang ipinagbubuntis ang panganay na anak nila ni Luis Manzano.

Sa kanyang Instagram post nitong Huwebes, September 15, ibinahagi niya ang kanyang pinagdaanan matapos tamaan ng COVID-19.

“After almost 3 years of being so paranoid and careful… I tested positive for Covid-19 last Sept 3,” saad ni Jessy.

Matapos ang halos tatlong taon buhat nang magkaroon ng pandemya, ito ang unang pagkakataon na mahawaan siya ng virus. Labis rin niyang ikinabahala ay ang kanyang ipinagbubuntis.

“I had symptoms and, for me, it was the hardest 11 days of my life. It was my first time to get infected with the virus. I never thought I would get it while 5 months (and 3 weeks) pregnant,” pagbabahagi pa ni Jessy.

Aniya, kaya niya ikinukuwento ang kanyang naging karanasan upang ipaalam sa publiko na mayroon pa ring COVID-19 sa paligid kahit na nagkaroon na ng pagluwag sa safety protocols sa bansa.

Lahad ni Jessy, “I’m sharing this difficult experience with you because I want to spread awareness that Covid-19 is still very much around.

“Even if protocols are easing up and there already is a mandate allowing people not to wear masks outdoors.. I hope we still protect each other in our own little ways.”

Chika pa ni Jessy, “Sa mga preggy mommies/ladies, I’m sure makaka-relate kayo dito.. ang hirap pala talaga magkasakit kapag alam mong may dinadala ka sa iyong sinapupunan hindi dahil sa sarili mo, pero dahil magaalala ka talaga para sa baby/anak mo at siyempre para sa asawa mo.”

Sa ngayon ay negative na ang asawa ni Luis mula sa COVID-19.

“I tested again last Tuesday (September 13) and finally negative na ako! Thank you Lord,” masayang sey ni Jessy.

Makikita naman sa kanyang vlog kung paano siya inalalay at binantayan ng asawa noong mga unang araw ng kanyang pagkakasakit.

“Kung ako lang ‘to, rock and roll lang ako, e, okay lang. But siyempre, I have a baby inside of me, inside my womb, so I’m hoping that it won’t affect my baby,” naiiyak na kuwento pa ni Jessy.

Bagama’t na-expose si Luis kay Jessy ay hindi naman ito nahawaan ng sakit.

Related Chika:
Luis, Jessy nag-celebrate ng 1st wedding anniversary: One down, forever to go!

Jessy Mendiola ayaw nang makipaghalikan sa serye at pelikula, pinagbawalan ba ni Luis?

Jessy nakiusap sa haters: Sana ‘wag nating i-crucify ang isang tao dahil lang mali yung sinabi niya

Kaugnay na Balita

Mainit na Balita

error: Content is protected !!