Kinabukasan Balita

‘Jericho Rosales’, namataang palakad-lakad sa isang amusement park sa Davao

Tila namalikmata ang netizen na si Hyobz Perez at kaniyang mga kaibigan nang mamataan ang isang lalaking kamukha ng Kapamilya actor na si Jericho Rosales, habang naglalakad sa pinasyalan nilang amusement park sa Monkayo, Davao de Oro.

Agad nila itong nilapitan upang makapagpakuha ng larawan. Tinawag nila itong “Echo” ngunit hindi nila nakuha ang tunay nitong pangalan.

Tila sumang-ayon naman ang ilang mga netizen at sinabing kalook-a-like nga ito ng aktor. May mga nag-tag at nag-mention pa sa pangalan ni Jericho upang makarating sa kaniyang kaalaman na may “twin brother” siya sa Davao. May mga nag-tag pa sa award-winning magazine show ng GMA Network na “Kapuso Mo, Jessica Soho” o KMJS.

“Pa-DNA na ‘yan, baka mamaya may nawawala palang kambal si Echo. Malay n’yo, kayo ang maging tulay para magkita ang magkapatid!”

“OMG baka kakambal ni Echo?”

“Hawig nga niya pag nag-artista ‘yan kamukha talaga ni Jericho. Puwedeng ka-double.”

Samantala, wala pang tugon, reaksiyon, o pahayag si Jericho tungkol dito.

Kaugnay na Balita

Mainit na Balita

error: Content is protected !!