Kinabukasan Balita

Jaylen workout sa ilalim ng tubig

PUSPUSAN ang isinasagawang training at conditioning ni Boston Celtics superstar Jaylen Brown sa kasalukuyang offseason ng National basketball Association (NBA).

Ibinahagi ng koponan ang ginagawang paghahanda ng kanilang forward na si Brown sa pamamagitan ng kanilang opisyal na Twitter account, kung saan ipinakita ang pagsusumikap ng Georgia native sa kanyang pag-eensayo.

Sa isang video, ipinakita kung saan nakalubog sa ilalim ng tubig si Brown bilang bahagi ng kanyang pag-eensayo at pagpapakondisyon sa kanyang katawan.

Gamit ang swimming pool, ipinakita sa video ang training ng Brown sa pamamagitan ng paghinga sa ilalim ng tubig, pinalalakas nito ang kanyang katawan upang mapaghandaan ang hirap para sa darating na bakbakan sa 2023 season.

Mike optimistiko sa Para Games

Carcedo inupakan Asia Pacific crown

Anak ni Spoelstra humina ang cancer

Sa pamamagitan ng ensayo sa ilalim ng tubig ay matutulungan ang katawan ni Brown na maging kondisyon ang kanyang mga muscle at maiiwasan na madaling hingalin.

Mabisa umano para sa mga atletang gaya ni Brown ang nasabing training lalo na at nagpapalakas pa ito ng kanyang resistensiya.

Matutulungan din ng nasabing training na makasabay sa takbuhan si Brown lalo na pisikal ang tema ng larong basketball.

Dahil dito ay sinisiguro ng koponan ang kahandaan ni Brown upang itimon ang Boston na makarating muli sa Finals ng nasabing liga ngayong susunod na season. (Annie Abad)

Kaugnay na Balita

Mainit na Balita

error: Content is protected !!