Kinabukasan Balita

Janelle Tee, Ava Mendez magkaiba ang pananaw tungkol sa mga customer ng ‘escort girl’

Ava Mendez at Janelle Tee

MAHIRAP din pala para sa isang escort girl na pagbigyan ang kanyang kliyenteng malaki magbayad kapag hindi ito maayos sa kanyang personal hygiene.

Sa nakaraang private screening at mediacon ng Vivamax movie na “The Escort Wife” starring Ava Mendez at Janelle Tee na ginanap sa Gateway Cinema 7 ay natanong sila tungkol dito base sa kanilang love scenes.

Dito inamin ni Ava na may mga inaprub siyang okay siyang halikan at may ibang hindi niya inaprub.

“Ang hirap kasi kahit ayaw namin sila wala kaming choice kasi nagbabayad naman nang malaki, so, trabaho lang ‘yun.

“Siguro nahirapan ako…oh my God natawa ako sasabihin ko ba na nahirapan ako? Bago sinabi ni direk sa akin na may iba-ibang guy kaming iaano (love scenes) sabi ko, ‘direk pipili ako kung sino ‘yung hahalikan ko kasi ‘yung iba hindi ko bet. Ha-hahaha! (tawanan ang nasa loob ng sinehan).”

Kaya may usapan sina Ava at direk Paul na kapag nag-thumbs up ang sexy star ay ibig sabihin okay siya sa kapartner niyang guy.

“Kapag sinabi ko kay direk (thumbs up) okay, pero pag sinabi kong (cut it off) no! So, si direk (sasabihin), okay ganito ang concept ganito, ganyan.’ I’m saying I am safe. Thank you direk,” sabi ni Ava.

Si Janelle naman ay tila hindi na nakapamili pa, “Sa akin wala dedma na kasi as an escort (girl) at least magbabayad. Wag mo na masyadong isipin ‘yung (hygiene), depende siguro sa rate. Ha-hahaha!”

Depensa naman ni Ava, “Hindi ko pa rin kaya (kahit malaki ang bayad), paano kung ang jontot-jontot (mabantot) di ba? Oh my God, ‘huy mag-toothbrush ka muna. Oo may bayad ‘yan kapag mabaho, ah.” Nagkatawanan ang lahat pati si direk Paul.

“Parang safe rin for Ava, pero I think as an escort ‘yun lang ‘yung iisipin mo, eh. ‘Yung trabaho mo parang dedma ka na. 

“Feeling ko ha, parang naging manhid na rin sila o naging routine na rin ‘yung ginagawa nila. Parang okay, next-next basta magbayad na kayo para tapos na, bye!” paliwanag naman ni Janelle.

Sa mga nakaeksena nila ay wala naman naging reklamo si Janelle dahil nagawan daw ng paraan.

Samantala, nabanggit ni Janelle na hanggang ngayon ay hindi sila masyadong nag-uusap ng family niya dahil sa mga role na ginagampanan niya sa Vivamax movies pero kailangan niyang gawin bilang nagsisimula pa lang ang career niya.  

Hoping siya na gusto rin niyang maging serious actress soon.

Anyway, mapapanood na sa Vivamax ang “The Escort Wife” sa Biyernes, September 16 mula sa direksyon ni Paul Alexei Basinillo, sinulat ni Direk Yam Laranas, line produced ng Mesh Lab, handog ng Viva Films.

Janelle Tee hindi kering rumaket bilang escort girl: I don’t think I will survive that kind of a job

Vivamax sexy star Ava Mendez napilitang pumatol sa professor para makapasa: Para akong na-rape…

Raymond Bagatsing tumodo na rin sa paghuhubad at sex scenes; Eva Mendez hindi nag-plaster sa ‘The Escort Wife’

Kaugnay na Balita

Mainit na Balita

error: Content is protected !!