Kinabukasan Balita

Istilo ni Luis Manzano sa kaniyang YouTube channel, binara ng isang netizen; host, rumesbak

Tinalakan ng isang netizen ang istilo ng pagho-host ni Luis Manzano sa kaniyang YouTube channel.

Kung halos kalakhan sa mahigit 1.73 milyong subscribers ng Kapamilya celebrity host ay aliw na aliw sa kakaiba at kuwelang mga panayam ni Luis, tila hindi naman ito nagustuhan ng isang netizen.

Kung pormalan lang ang peg sa mga karaniwang sit-down interview ng ilang celebrity vlogger, tiyak na nalalayo ang offering ng channel ni Luis.

Kilala si Luis sa kaniyang eksenadorang short-with-matching-suit attire sa mga kamakailang interview niya sa kaniyang channel.

Hindi rin nawawala sa gitna ng kaniyang panayam ang maya’t maya niyang mga hirit at punchlines, bagay na sineryoso ng isang follower.

“Luis Manzano, make up your mind. Gusto mo bang maging comedian or serious host? Youre attire isn’t funny,” komento ng isang YouTube account na itinago sa pangalang “subaru star” sa panayam ni Luis kina Angeline Quinto at Nonrev Daquina.

Basahin: Ipinaglaban? Manager ni Angeline, tutol sa relasyon niya kay Nonrev – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Resbak naman ng comedic host: “Apektado ka masyado, ‘di ko naman pinatahi sa’yo.”

Tawanga-tawa naman ang maraming subscribers sa pagresbak ni Luis sa komentong naka-pin pa sa pinakataas ng comment section ng YouTube video.

Hindi nakapalag pang muli ang naturang netizen.

Si Luis ay long-time Kapamilya host ng mga kilalang game at talent shows ng ABS-CBN kagaya ng The Voice, I Can See Your Voice, Minute To Win It, bukod sa iba pa.

Kaugnay na Balita

Mainit na Balita

error: Content is protected !!