Kinabukasan Balita

Iskup: Ex-BF na poging doktor nag-react sa nangyari kay Carla

Hindi sadya kung paano namin nakilala ang dating boyfriend ni Carla Abellana. May sinadya lang kami sa Diliman Doctors Hospital, malapit sa puso namin ang ospital na ito, tulad din ng Marikina Valley Medical Center.

Sa pakikipagkumustahan namin sa mga anak-anakan naming doktor ay may nagbulong sa amin, kasamahan nila ang dating boyfriend ni Carla Abellana, na bestfriend naman ni Meryll Soriano.

Nakilala namin si Dr. Reg Santos. Hindi siya mukhang doktor, maikukumpara siya sa mga artista at modelo, guwapong-guwapo ang doktor.

Magkaklase sila ni Carla sa OB Montessori sa Greenhills, naging magkarelasyon sila nang mahigit na dalawang taon, hanggang sa nagkani-kanyang landas na sila pero nanatiling magkaibigan.

Mataas ang posisyon ni Dr. Reg Santos sa Diliman Doctors Hospital, dati siyang naka-assign sa emergency room pero mas malaking oportunidad ang ibinigay sa kanya, magkasama sila ng anak-anakan naming si Dr. Lani Ancheta.

Pangiti-ngiti lang si Dr. Reg kapag binibiro namin, hindi siya masalita, pero ramdam naming nalulungkot siya sa mga kuwentong nagsasangkot kay Carla Abellana at kay Tom Rodriguez.

Nagugulat na lang daw siya, napakarami kasing lumalabas na mga kuwento tungkol sa hiwalayan nina Carla at Tom, parang ayaw niyang paniwalaan ang mga kuwento.

Napakaliit nga ng mundo. Sa isang simpleng pagdalaw sa mga anak-anakan naming doktor ay nakatalisod pa kami ng kuwento. Biro namin kay Dr. Reg Santos, siguradong gumagaling agad ang kanyang pasyente, dahil napakaguwapong doktor ang nag-aasikaso.

Bayani dinawit sa gulo nina Navarro, Cornejo

Wala namang kinalaman si Bayani Agbayani sa muling pagbuhay sa mga kasong isinampa ni Deniece Cornejo laban kay Vhong Navarro pero nakakaladkad ang pangalan ng komedyante.

Carmina ‘di kinaya lampungan nina Zoren, Lianne

‘Darna’ aagawin trono ni Ivana

Heaven, Markus pabor sa online dating

Mababasa ang mga post na nagsasabing karma raw ‘yun ni Vhong, dahil kapag umaatake ang kanyang kasamahang si Vice Ganda sa It’s Showtime ay hindi man lang niya binabawalan ang kanyang co-host, kinakampihan pa.

“Ayan tuloy, nabulabog ang buhay mo, may kaso ka na naman, kasi, panay-panay ang bira n’yo ni Vice Ganda sa mga kapwa n’yo artista!” sabi pa ng isa.

May nagbanggit pa sa pangalan ni Bayani Agbayani na wala raw namang masamang sinabi, pero inupakan nila agad sa show, kaya na-karma si Vhong.

Kung tutuusin ay emosyon na lang ‘yun ng mga bashers, pero alam din nila na walang kinalaman ang mga isyu sa mga kasong haharapin ni Vhong, ang rape at acts of lasciviousness na isinampa laban sa kanya ng modelo nu’ng 2014 pa.

Pero siyempre, hindi naman papayag ang kampo ni Vhong na basta na lang siya husgahan nang nakaupo, ilalaban nila ang kaso tutal naman ay hindi pa ‘yun final and executory.

Ang pinagtataka lang ng marami ay bakit hindi raw nagkaroon ng pagkakataong makapag-usap ang magkabilang panig. Sa tagal na ng panahong lumipas ay wala man lang bang nagtulay para sa kanilang pagkakasundo?

Si Attorney Ferdinand Topacio ang abogado ni Deniece Cornejo, palaban ang abogadong ito, pero gusto naming malaman ng marami na may pinakamalambot ding puso si Attorney Ferdie.

Ilang beses na naming napatunayan ‘yun, palagi itong nagtutulay sa kanyang mga kliyente at sa kanilang kalaban, peacemaker si Attorney Topacio.

Wala itong pakialam kung magkakasundo na ang magkabilang panig at hindi na ito kikita, ang mahalaga para sa kanya ay ang matagpian ang gusot at magkaroon ng kalinawan ang mga nagbabanggaang kampo, ganu’n ang pagkakilala namin sa matapang na abogado.

Pero mukhang huli na ang posibilidad ng pagkakasundo, nasa kainitan na naman ang tunggalian ng kampo ni Vhong at kampo ni Deniece, nakapanghihinayang.

Abangan na lang natin kung ano ang kahihinatnan ng utos ng Court of Appeals na kasuhan ng Taguig Prosecutors office si Vhong Navarro ng rape at acts of lasciviousness.

Kaugnay na Balita

Mainit na Balita

error: Content is protected !!