Kinabukasan Balita

Injury ni Ces hindi seryoso

WALANG dapat alalahanin sa lagay ng injury ni Cignal HD Spiker main hitter Frances Xinia Molina matapos masaktan sa huling laro kontra Petro Gazz Angels na naging sanhi ng pagkaputol ng kanilang four-game winning streak sa 2022 Premier Volleyball League (PVL) Invitational Conference sa FilOil Flying V Arena sa San Juan City.

Hindi inaasahang nagkamali ng bagsak ng paa ang 27-anyos na dating San Beda Lady Spiker na nagdulot ng right ankle sprain matapos lumapag ito kay Aiza Maizo-Pontillas kasunod ng pagtatangkang pagblangka sa atake.

Agaran itong binitbit patungong dugout at hindi na nagawa pang makabalik sa laro na naging sanhi ng four-set na pagkatalo ng acignal 25-19, 14-25, 23-25, 14-25 nitong nagdaang Martes.

“Mentally, yeah I think nakaapekto. Nakita ko rin sa nilaro ng mga player namin but ang good thing nabigyan din naman ng opportunity na makalaro ‘yung ibang players namin,” pahayag ni Cignal HD head coach Shaq Delos Santos.

“Sa ngayon dadalhin muna siya sa ospital para ma-x-ray muna. Wala pang final pero sprain talaga siya pero wala, wala tayong magagawa. Aksidente and we need to accept that.”

Gilas sesentro kay Clarkson

Tenorio, Gin Kings tigok ‘pag kumurap

Adebayo ayaw itapon ng Heat

Sinabi ng dating national team head coach na hinihintay pa nila ang pinal na detalye hinggil sa kalagayan ni Molina na tiniyak naman niyang isang sprain lamang at walang magagawa sa naturang pangyayari kundi gumawa ng ibang hakbang para sa koponan.

“Wala pang final pero sprain talaga siya pero wala, wala tayong magagawa. Aksidente and we need to accept that,” wika ng dating Far Eastern University at Santo Tomas Golden Tigresses head coach.

Hindi naman maiaalis ni Delos Santos ang ginawang magandang laro ng Petro Gazz na nakakuha ng malupit na atake mula kina Maizo-Pontillas, Remy Joy Palma, Mar Jana Philipps, Nicole Tiamzon, Myla Pablo at setter Chie Saet.

“Talagang grabe rin ‘yung nilaro ng Petro Gazz, talagang gusto nila manalo. Nakita naman natin ‘yung laro nila and ayun, we need to accept na talo talaga kami, ganoon talaga,” saad ni Delos Santos, na patuloy na nangunguna ang koponan sa 4-1 kartada papasok ng semifinals, na huling makakaharap ang PLDT High Speed Hitters sa darating na Sabado.

Tiyak na kinakailangan ng tulong ng Cignal mula kina Ria Meneses, Angeli Araneta, Jerrilli Malabanan, Klarissa Abriam, Gel Cayuna, Roselyn Doria at team captain Rachel Anne Daquis. (Gerard Arce)

Kaugnay na Balita

Mainit na Balita

error: Content is protected !!