Kinabukasan Balita

In The Zone walastik sa Open Invitational

INILAMPASO ng kabayong si In The Zone ang mga nakatunggali upang sikwatin ang korona sa 2022 Philracom “Open Invitational Race For Imported & Local Horses” na pinasibat sa Metro Turf, sa Tanauan City, Batangas nitong Linggo.

Sinakyan ni jockey MA Lanot, sinunggaban ni In The Zone, pag-aari ni Paoolo Mendoza, ang unahan paglabas ng aparato subalit kinapitan naman siya ni A.P. Factor.

Nagtagisan ng bilis at lakas sina In The Zone at A.P. Factor hanggang sa kalagitnaan ng karera pero papalapit ng far turn ay umungos na ng isang kabayo ang winning horse na anak nina Eurozone at Woongarra.

Coach Rivera, bowling tampok sa PSA Forum

Gawilan, Sabido ginto sa ASEAN Para Games

NBA legend Russell pumanaw sa edad 88

Pagspit ng huling kurbada ay nasa apat na kabayo na ang abante ni In The Zone at nang tumawid ito sa meta ay limang kabayo ang lamang nito sa pumangalawang si Sudden Impact.

Inirehistro ni In The Zone ang 1:51.4 orad sa 1,800-meter race sapat upang ibulsa ng owner nito ang premyong P300,000 sa event na suportado ng Philippine Racing Commission (Philracom) sa pamumuno ni chairman Reli De Leon.

Nakopo ng may-ari ni Sudden Impact ang P100,000 habang napunta sa third at fourth placer na sina Joyous Solution at Dragon Butterfly ang P50,000 at P25,000, ayon sa pagkakasunod. (Elech Dawa)

Kaugnay na Balita

Mainit na Balita

error: Content is protected !!