Kinabukasan Balita

Idol Philippines Khimo Gumatay, pinabilib si ‘Boyz II Men’ member Wanya Morris

Humanga ang American singer at miyembro ng sikat na bandang “Boys II Men” na si Wanya Morris sa galing ng isa sa Idol Philippines Top 5 Khimo Gumatay.

Unang napabilib ni Khimo ang award-winning singer noong Agosto 22 nang kantahin ng 22-anyos ang hit track ni Brina Mcknight na “One Last Cry” sa pagbubukas ng live show.

Sa kaniyang Instagram story, ipinahayag ni Wanya ang suporta para sa hopeful.

Ilang linggo ang nakalipas, nananatiling matinding condtender sa reality show si Khimo.

Noong Linggo, Setyembre 11, naging mainit din ang bakbakan ng Idol hopefuls para sa Top 5 artists na sasabak sa semifinalist ng kompetisyon.

Dito kinanta ni Khimo ang 1992 hit song ng “Boyz II Men” na “End of the Road” at umani pa ng standing ovation sa apat na judges na sina Regine, Moira, Gary V at Chito.

Muli, nakarating sa American singer ang trending na version ni Khimo sa kanta na ibinalandra pa niya sa kaniya Instagram story.

Hindi naman napigilang maging emosyonal ni Khimo sa pagkilala.

Kasama ni Khimo sa Top 5 sa ikalawang season ng Idol Philippines sina Kice, Ryssi Avila, Anne Raniel, at Bryan Chong.

Kaugnay na Balita

Mainit na Balita

error: Content is protected !!