Kinabukasan Balita

Ice Seguerra umaming tsine-check pa rin ang mga ex-dyowa, OK lang kaya kay Liza Diño?

Ice Seguerra umaming tsine-check pa rin ang mga ex-dyowa, OK lang kaya kay Liza Diño?

WALANG pag-aalinlangang sinagot ng singer-songwriter na si Ice Seguerra ang mga tanong na ibinato sa kanya nang mag-guest siya sa Kapuso comedy show na “The Boobay and Tekla Show” o TBATS.

Sa isang segment ng show na “Guilty or Not Guilty” ay napag-usapan ang relasyon nila ng asawang si former chairman ng Film Development Council of the Philippines na si Liza Diño.

Guilty si Ice sa mga tanong gaya ng kung inaaway ba niya ang asawa dahil sa selos.

Dito ay ikinuwento niya ang mga nangyari noong bago pa lang silang magkarelasyon.

“Bago pa lang kami nito ni Liza. Actually, sa totoo lang hindi ako selosong tao pero siguro ganoon talaga kapag maganda yung asawa mo,” panimula ni Ice.

Pagpapatuloy pa niya, “Tapos alam mo na marami ring poging nakaraan. So ayun, so noong bago kami yan medyo nagkaka-issue ako kapag… kunwari kumain kami sa isang lugar na nakainan na nila.”

Chika pa ni Ice, sinasabi rin daw ng kanyang kabiyak na hindi ito selosa pero sa totoo lang ay indirectly nagseselos ito na parang “tulak ng bibig, kabig ng dibdib”.

Aniya, hindi rin daw tumatagal ang away nila ng dahil sa selos.

“In fairness to us, kapag hindi kami okay, we always talk about it. And kapag pinag-uusapan namin ‘yung bagay, hangga’t hindi kami nakakarating sa punu’t dulo nung hurt, hindi namin tinatapos ‘yung usapan,” sey ni Ice.

Kahit pa nga raw ilang oras o araw ay pinag-uusapan at inuungkat nila ang pinag-ugatan ng problema para maayos ang lahat sa pagitan nila dahil kapag hindi raw napag-uusapan ay nauulit at naibabalik ang isyu.

Pag-amin rin ni Ice, mayroon daw silang listahang mag-asawa ng kanilang mga crushes at ang shared crush nga nila ay ang magaling na aktres na si Angel Aquino.

Nang matanong naman siya patungkol sa mga dating nakarelasyon ay inamin niyang nag-i-stalk pa rin siya sa social media.

“It’s more of like gusto ko lang… kasi friends ko rin naman sila on FB or Instagram so chini-check ko rin every once in a while. Pero yun lang yun,” lahad ni Ice.

Hindi naman das ito isyu para kay Liza dahil open naman sila sa isa’t isa. Giit pa niya, in good terms naman daw siya sa mga naging ex niya dahil nanatili silang friends ng mga ito.

Sey pa ni Ice, si Liza lang daw ang tanging “ex” na binalikan niya.

Binalikan rin niya ang mga ganap sa kanila ng dati niyang ka-loveteam na si Spencer Reyes.

Ani Ice, diring diri daw siya noon lalo na kapag kailangan nilang mag-holding hands at mag-akbayan nang mag-promote sila ng pelikula.

Gayunpaman, hanga naman siya rito dahil napakabait raw nito at naging magkaibigan rin sila.

Related Chika:
Ice Seguerra: Hindi kumpleto ang kuwento ng buhay ko kung wala si Tito Vic Sotto

Pangarap ni Ice Seguerra na makapagdirek natupad na: Sa totoo lang, akala ko hindi na magkakatotoo

Liza Dino gustong gumawa ng pelikula tungkol sa trans family: Ano ba yung pinagdaraanan namin?

Ice Seguerra forever tatanaw ng utang na loob kay Bossing at sa Eat Bulaga: Ito ‘yung panahong nagpupumilit akong mag-loveteam

Kaugnay na Balita

Mainit na Balita

error: Content is protected !!